WARNING: This story includes inappropriate contents and may cause discomfort to some readers. Reader discretion is highly advised.
A/N: To my old readers, I’m going to change some names (characters) and/or scenes so don’t be confused. I just really wanted to revise this one to be better kasi alam kong marami siyang loopholes. Also, I’m going to change this into a third person POV. Hope you still enjoy it, though. Thanks!
-
“Em, I’m just going to take a leak!”
Malakas ang boses na nagpaalam si Savi kay Empress—isa sa mga kaibigan niya—dahil sobrang lakas ng tugtog sa loob ng club. Isama pa na maingay rin sa paligid dahil naghihiyawan ‘yong ibang mga tao para sumabay sa liriko ng kanta at hindi sila magkakarinigan kung bubulong lang siya sa kaibigan. Lalo na at nasa dancefloor sila.
Nandito sila sa Serpent Lounge—isang sikat na club sa Manila—dahil nagkayayaan silang magkakaibigan na magliwaliw man lang after their successful mission. Halos dalawang linggo rin silang subsob sa trabaho at ngayon lang nakapaghinga.
The surrounding reeks of alcohol and cigarettes. Some people were having their make outs just around the corner of the club, leaving no inhibitions. Ang iba naman ay lasing na at nakadukmo na sa lamesa, tulog yata o nawalan nang malay.
It was chaotic.
Pero kahit ganoon, nag-e-enjoy pa rin naman sila. Sanay na silang mag-club ‘tsaka nasa legal age na naman sila. They were already twenty-four years old at may trabaho na rin so no big deal about clubbing.
They were dancing, swaying their hips seductively together with the banging sounds of the music. At wala silang pakialam sa paligid. Not even when boys were asking them for ‘you know’ at pasimpleng idinidikit ang katawan sa kanila.
Boys and their ‘da moves’, huh?
Napapangisi na nga lang si Savannah kapag ganoon. Because it only means hanggang doon na lang ang mga ito at hindi sila agad-agad makukuha o maaakit sa mga galawan nito. Tss.
Hindi naman sila mga bayaran at higit sa lahat, hindi iyon ang ipinunta nila roon. They were just really enjoying the night. Their last night to be exact, dito sa Pilipinas.
Tumigil lang siya nang maramdaman na tinatawag ng kalikasan kaya naman nagpaalam siya kay Empress. Ito kasi ang malapit sa kaniya dahil nasa kabila nito si Calista na walang pakialam sa paligid at parang may sariling mundo. She was just there, standing stiffly with her cocktail. Gusto tuloy matawa ni Savannah sa kaibigan dahil hindi niya mawari kung nag-e-enjoy ba ito o naiinip na sa nangyayari.
Matagal nang magkakilala si Calista at Empress since mag-highschool friends ang mga ito. They just met her and been best friends for just almost three years.
Nang tumango si Empress at sumagot ng ‘okay’ ay agad namang umalis si Savannah sa dancefloor at hinanap ang comfort room.
Muntik pa siyang mabuwal dahil sa pagmamadali. Mabuti na lang at nabalanse niya agad ang katawan kahit na medyo nahihilo na siya dahil sa nainom na alak. Hindi niya pinansin ang kung sinoman ang nakabangga niya kahit na narinig pa niya ang pag-angil nito.
Wala siyang pakialam. Naiihi na talaga siya at kailangan nang magmadali.
Agad siyang pumasok sa isa sa mga cubicles na naroon nang makarating sa CR. Pagkatapos ay naghugas siya ng kamay. Naghilamos na rin siya ng mukha para matanggal ang pagkahilo ‘tsaka humarap sa salamin. Napailing-iling na lang siya nang mapansing namumula na pala ang mukha niya.
Isang baso lang ng tequila ang nainom niya pero tinablan agad siya. Mababa talaga ang alcohol tolerance niya kaya hindi siya pwedeng uminom nang maramihan at makipagsabayan sa mga kaibigan niya. Unlike doon sa dalawa, mataas ang alcohol tolerance ng mga ‘yon, especially Calista. Mahirap makipag-inuman sa isang ‘yon dahil lasing ka na, ito ay hindi pa.
BINABASA MO ANG
One Innocent Night (Revised Version)
Fiction généraleAGENT TRILOGY #1 WARNING: MATURE CONTENT. Savannah Cortez met Aiden Laurel at Serpent Lounge. He was drowning himself in alcohol. Feeling crazy and thrilled, she thought he needed a help, and so she initiated their first kiss. And she realized, he's...