Tingin

2 0 0
                                    

Sapat na ang nakaw na tingin ko sa'yo
Nakatingin mula sa malayo
Ako'y duwag at hindi makaamin
Pero ayos lang atleast hindi masasaktan ang aking damdamin

Minsan ako'y nahuli mong sayo'y nakatingin
Dali-dali akong umiwas
Ang rami kong gustong sabihin
Ngunit wala akong lakas

Ako'y nalulunod sa iyong tawa
Tuluyang nalunod sayong ganda
Ngunit alam na wala akong pag-asa

Kontento nalang sa nakaw patingin-tingin
Sapat na makita kita
Kahit hanggang doon nalang Sapat na.

Anthology of Disturbing ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon