Chapter 11 - Text Messages

2 0 0
                                    

Ho Seok's Point of View.

Nakatanggap ako ng message galing kay Sungit.

From: Ms. Sungit :D
7:37pm
Oh! Shut up, Ho Seok!

Paano niya naman nalaman na ako yun? Ay oo nga pala!  Sinabihan ko pala siya ng sungit!!  haha... Pabo! [Pabo=Idiot]

To: Ms. Sungit :D
Nag goodnight na nga e! :(

Send!

Napangiti na lang ako kasi nalaman niya agad na ako yung nag text sa kanya... at nag reply pa.. Ansaya talaga kapag nakikita kong siyang asar na asar.... wahahaha!!  * evil laugh *

* blink *


One Message Receive.

From: Ms. Sungit :D
7:56pm
Pake ko ba? Gabi na! Matulog ka na! :P

Hindi na lang kasi niya diretsuhin na may gusto siya sa akin. Nagkukunwari pa siya e concern din naman siya... Mga babae nga talaga!

To: Ms. Sungit :D
We? Concern ka lang e!  Amin amin din pag may time! :'D

Kung makikita nyo lang sana ako? Mukha na akong tanga na nakangiti sa kawalan! haha! Sigurado ako na naiinis na yun!!

From: Ms. Sungit :D
8:15pm
Paano ako aamin kung wala namang aaminin? Alam mo matulog ka na! Nakakasira ka ng gabi! Kainis! :P -_-

Ang haba nang sinabi niya ahh?  Nakakasira ba talaga ng gabi niya ang pag text ko? Parang nakaramdam ako ng inis at the same time nakakatuwa.... Ewan ko ba basta! Baka nababaliw na ako.

To: Ms. Sungit :D
Sige na nga! Be ready tomorrow! haha! :D Humanda ka sa akin sungit! :P Aasarin kita ng bonggang bongga! * Evil Laugh *

Nababaliw na ata ako!  haha!!

To: Ms. Sungit :D
Goodnight and Sweet dreams! :) ;)

" Mukha kang baliw, J-Hope! " Sabi ni Jin sabay bato sa akin ng unan.

" Ha? " nagtatakang tanong ko?  eh nananahimik lang ako dito tapos sasabihan niya ako na nag mumukha akong baliw?  What the?

" Nakangiti ka kaya! Pabo! " Gatong ni Jungkook. Oo nga ano? Nakangiti ako? Pero bakit naman? [Pabo=Idiot]

" Ka-text niya kasi si Clara! " Singit ni V sa usapan. teka! Paano niya nalaman?

Tinignan ko siya, Yung tingin na nagtatanong.

" Sorry bro, Nakita ko kasi nung napadaan ako diyan sa likod mo! " tumawa si V

Nag sorry pa siya di rin naman pala sincere? Nonsense!

Sinamaan ko ng tingin si V pero mas tumawa pa ito. Naki sabay na din yung iba sa pagtawa. Napabusangot na lang ako. kainis tong mga to!

" Eh sino kaya yung hindi man lang pinapansin si Layza? " Natahimik bigla si V wahaha!!  Na guilty!!  :D

" Eh sino naman yung First day pa lang duma da moves na kay Shaira? " Asar ni V kay Jin.

" Eh sino yung may sariling mundo kanina kasama si Athena?! " Aba hindi nagpaawat si Jin at sinumbatan pa si Rapmon!  Haha ganyan sila e!  Nasimulan na namin kaya kailangan naming panindigan.

" Sino kaya yung gumagawa pa ng dahilan para lang maka usap niya si Ariela! " Si Rapmon naman biglang tinignan si Suga.

" WHAT?  Im just being friendly to her! " Depensa ni Suga sa sarili.
" E sino kaya yung halos alamin na yung buong pagkatao ni Cyan! " Tumingin agad si Suga kay Jimin!  Whaa!!  Ayan na naman sila!!

" What about? --" hindi na naituloy ni Jimin ang sasabihin at tumungin na lang kay Jungkook.

" Ano ba yung ginawa ninyo kanina ni Jena? " tanong ni Jimin kay Jungkook. Oo nga pala hindi ko naman kasi alam kung anong pinag gagagawa nila ni Jena tapos ni Layza.

" Wala---" -Jungkook.
" Kasi nakikipag harutan siya kay Layza! " Sabat naman ni V kaya hindi nituloy ni JK yung sasabihin niya. Nagkatinginan kaming Anim....

" Selos! " Sabay sabay naming sabi sa kanya. Hindi naman siya masyadong halata? Mukha kasing ewan hindi pinapansin kanina si Layza!

" Hindi ah? " Defensive masyado?

" OA nito! Napaghahalataan ka bro! " Asar sa kanya ni Jimin.

" Shut up! " Tumawa na lang kami kasi sobra talagang nakakatawa yung reaksyon ni V. Halata siya masyado.

" Duma-moves ka na kasi! " Gatong pa ni Jin sabay tawa nang malakas.

***

Kinabukasan...

Napaaga ata ako ng gising isa itong himala!!  haha.. 😂

Paglabas ko ng kwarto wala pa sila... Mga tulog mantika pa din. Hay ang boring naman... Waa kaming schedule ngayon e...

Kinuha ko sa kwarto yung cellphone ko... pagbukas ko ng cellphone ko bigla na lang akong na dismaya! Bakit kaya?

" Expecting Someone? " Nakatayo siya sa may pintuan ko at nakasandal. Aba'y naka cross arm pa! 

" Wala ah! " Sabi ko sa kanya! " Bakit ang aga mo gumising? " tanong ko.  para naman maiba ang topic namin. Siguro nga inaasahan kong mag te-text siya pero hindi e!  Asa naman ako! 

Inihagis ko sa kama yung cellphone ko. " Wala lang! Naalimpungatan kasi ako ayun hindi na ako makabalik sa pag tulog! " Sagot niya.

" Ahh! " aalis na sana siya pero pinigilan ko siya kasi may gusto akong malaman.

" Taehyung! " tawag ko sa kanya. " Bakit pala hindi mo pinapakitunguhan ng maayos si Layza? " tanong ko. Bakit ba? hindi ako chismoso no?  Sadyang curiosity kills me!

" V! " Natauhan siya bigla nung muli kong tinawag yung pangalan niya.

" Ha? ah basta! " Sagot niya sabay labas ng kwarto ko. Anyare dun?

Baliw na nga ata!  Nagtataka lang kasi ako iba siya pagdating kay Layza. Lagi siyang poker face kapag nandyan yung presensya ni Layza. Baliw na talaga yun!  Bagay talaga sa kanya yung bansag ng iba na ALIEN siya!

* Blink *

Kinuha ko agad yung cellphone ko at tinignan kung sino yung nag text sa akin.


One message receive

Hindi nga ako nagkamali... Siya nga yung nag text sa akin!  Si Clara!



From: Ms. Sungit :D
Good morning,Yabang!  Sorry di ako nakapag reply kagabi naka tulog na kasi ako! :P

Wow!  nag good morning siya....

" BALIW! " muntik na akong mapatalon sa gulat ng sumigaw sila Jungkook.

Hobby na ba nila yung tawagin akong baliw?

" Ano na naman!? " tanong ko sa kanila na kataas pa ang isa kong kilay.

Umalis naman sila sa tapat ng kwarto ko. Anyare sa mga yun?

" NAKA NGITI KA! " sigaw nilang lahat. Ako? Ako nakangiti? Napa tingin ako sa salamin at nakita ko ang napaka gwapo kong mukha... Doon ko nakumpirmang may gumuhit palang ngiti mula sa labi ko.

Baliw na nga ata ako!  Simpleng salita lang niya napapangiti agad ako.

Kailangang pigilan ko to! Ayaw kong mahulog ulit ang loob ko... Ayaw ko na ulit masaktan... Once is enough twice is too much!.

Nasaktan na ako noon kaya ayaw ko ng maulit ulit yun.


Ayoko na!


Ayokong umasa sa wala!

***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now