Chapter 25 - Launching Party

0 0 0
                                    

Jungkook's P. O. V.

" Congratulations! " sigaw ni manager at ibang staffs. Kaka-Launch lang ng MV namin kasama ang Bangtan Girls.


Hindi kami masyadong nag eenjoy kasi matapos ang lahat ng ito aalis na sila para pagpatuloy yung buhay nila sa pinas. Mami miss ko si Jena.


Wala na akong ka jamming...



" Ba't ang lungkot mo? " tanong niya.


" Aalis na kasi kayo e... " sagot ko sa kaniya na bahagya pang humarap sa kaniya.


" Dadalaw naman kami dito e.. " Pampalubag loob nya.


" Hm... Mamimiss kita! " bigla ko na lang nasabi.


" Ako din, Pero wag kang maging malungkot ah? Kotongan kita! " biro niya pa pero di ako natawa.


" Ngumiti ka na, bahala ka papanget ka niyan! " Hinawakan niya pa ang magkabilang pisngi ko at inihugis upang ngumiti.


Natawa ako sa itsura niya.... hahahaha!!!


" Nga pala, aalis tayo bukas ah? " Bigla kong nasabi.


" Saan naman tayo pupunta? " takang tanong niya.


" Dinner with IU! " sagot ko, napansin ko namang biglang nawala ang pagtataka sa mukha niya pero ang hindi ko inaasahan ay yung may makita ako sa mata niyang sakit at lungkot. Bigla naman siyang ngumiti ng mapansin ko ang reaksyon niya.



" Sige. Formal ba? Anong oras? " excited niyang tanong. Naguluhan naman ako pero ngumiti na lanv din.


" Oo, formal siya. 6:00pm sunduin kita ah? " Nakangiting sabi ko sa kaniya na ikinatango niya.


" Bakit naman kailangan kasama ako? baka maging third wheel lang ako sa inyo. " bahagya pa siyang natawa.


" Gusto lang kitang ipakilala sa kaniya lalo na isa ka sa mga kaibigan ko. " sagot ko sabay gulo ng buhok niya. ngumiti lang naman siya




Nagtuloy tuloy ang party ng masaya. Na e-excite akong makita ulit si IU.


Ariela's P. O. V.

Habang nagkakasiyahan ang lahat ng staffs at kaming BTS at BTG dito sa pool area ng condo na tinutuluyan namin napansin kong nawalan ng gana si Jena na mag enjoy.


" Are you okay? " bungad ko sa kaniya ng makalapit ako sa kinalalagian niya.

pero parang wala siyang narinig kasi hanggang ngayon ay tulala pa din siya. hinawakan ko ang kamay niya. " Wala ka sa mood? " tanong ko.



Ngumiti siya sa akin saka hinawakan din ang kamay ko. " Ayos lang ako, sige na magsaya ka lang. " sabi niya


" Paano ako makakapag enjoy kung alam kong may gumugulo sa isip mo? Ano ba yun? " nagtatakang tanong ko.



Bahagya siyang ngumiti pero nandon yung sakit. " May dinner kami ni Jungkook. " Sabi niya.


" Oh? anong meron dun? Ayieeee may dinner naman pala kayo e.. anong masama don? " Kinikilig na komento ko pero biglang nawala iyon ng biglang dugtungan niya ang sinabi niya.


" With IU. Kasama namin siya. " Malungkot na sabi niya.

" So? Totoo talaga yun? yung about sa kanila ni IU? " tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. " Simula pa lang alam ko na. Sinabi niya sa akin nung naging close kami sa isa't isa. " Halata sa kaniya ang lungkot. Ultimate bias niya si Jungkook at si jungkook din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon e single siya.


" Ayos lang yan, Jena. Baka hanggang magkaibigan lang talaga... pero ang tanong umamin ka na ba sa kaniya? "



" Hindi. Ayoko. Alam ko namang si IU talaga yung gusto niya. Shempre as a bestfriend support ko siya kahit nasasaktan ako. " Madadamdaming aniya.

" Hayaan na nga muna natin yan. Mag enjoy muna tayo. Whoooo!! PARTY PARTY!! " Natatawang sabi ko. " Hayaan na natin yan!! Hindi ka niya mahal!! Hahahaha!! " asar ko pa sa kaniya.


" Hahahahaha Buset! " Tumatawang aniya.


Sana ganyan na lang lagi siya. Laging nakangiti, Laging masaya. Parang walang problema.


***

Just One Day ( BTS FanFiction )Where stories live. Discover now