<<*>>| Skylar Denise's Point of View |
Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse at sa bawat oras ay may mga alaalang pumapasok sa isip ko. Miss ko na sya, miss na miss ko na sya.
Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako ngayon, hanggang ngayon ang sakit sakit parin ng pag-iwan nya sakin. Akala ko, magiging masaya kami sa future pero iniwan nya ako.
Lahat ng pangarap namin, nawala ng parang bula. Lahat ng masasayang pangyayari, napalitan ng isang napakalungkot na pangyayari. Ang lahat ay may naging kapalit, at ang mga ito ay hindi kanais nais.
Pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi, ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari noon...
FLASHBACK
*Ringggggg~~~~*
Hay salamat! Tumunog na rin ang bell! Agad agad kong inayos ang mga gamit ko, naglagay na rin ako ng mga gamit na hindi kailangan sa locker ko.
Makakauwi na rin sa wakas! Makakakain na rin sa wakas! Yey!
Lumabas ako ng campus at naghintay ng masasakyan. Habang naghihintay ay may nakita akong pamilyar na sasakyan at tumigil ito sa harapan ko.
Napakunot ang noo ko ng ibaba ng nasa loob ng sasakyan ang bintana nito. Si Dane Luis Geronimo.
"Skylar Denise Perez?" banggit nya sa buong pangalan ko. Problema nito?
"Hop in." nakangiti nyang sabi, aba't--- may sumanib bang mabuting kaluluwa sa katawan ng lalaking 'to? Sa pagkakaalam ko kasi, simula bata kami ay hindi talaga kami nagkakasundo.
"Ayaw mo? Ikaw bahala, mag-intay ka ng masasakyan dito. Sobra pa namang traffic dun sa may kanto, may naaksidente kasi. Mag-iintay ka pa dito ng sobrang tagal." parinig nya sakin. Nangiinis lang naman sya diba?
Tumingin ako dun sa direction sa may kanto na sinasabi nya, walang dumadaang sasakyan. Totoo ba ang sinasabi ng bakulaw na 'to?
"Sumakay ka na kasi, sa inyo din naman ang punta ko." pagpilit nya ulit sakin.
"At bakit ka naman pupunta samin?" tanong ko. Aba! Hindi sya welcome samin 'no!
"Your parents invited us for dinner. Mamaya pa pupunta sina mommy, ang sabi nya lang sakin ay dumiretso na ako sa inyo kaya eto, papunta na ako sa inyo." kakasabi ko lang na hindi sya welcome samin -_-
"Ano? Sasakay ka o hindi? Kasi kung hindi, please lang. Sabihin mo na agad sakin dahil kanina pa ako naiinip." bagot nyang sabi. Aba't-- talaga nga naman! Once a bakulaw will always be a bakulaw!
"Oo na!" sabi ko at sumakay sa likod. No choice naman kasi ako. Ayaw kong mag-intay 'no! Sayang ang beauty ko.
"WTH, Denise? Ano ako? Driver mo?" inis nyang sabi.
"Pwede na." bagot kong sabi. O diba, ako naman ngayon ang bagot. Akala nya ha! Tsaka wait, Denise? Kailan pa nya ako tinawag ng Denise?
"Lumipat ka nga dito sa unahan! Dalian mo!" utos nya sakin. Napataas ang kilay ko, inuutusan nya talaga ako. Masubukan nga *evil smirk
"Ano ako? Utusan mo? Patakbuhin mo na kasi 'tong kotse mong bulok!" sabi ko at ang mukha ng bata, mukhang sasabog na bulkan.
"D*mn it! Hindi kita utusan at hindi mo ako driver kaya lumipat lipat ka dito!" inis na sabi nya. Oo nga 'no? Ang tanga ko talaga, mang-aasar na nga lang epic fail pa.
At dahil naiinis narin ako, lumipat na ako sa unahan.
"Lilipat rin naman pala, pinatagal pa." parinig nya sakin. Edi wow! Sya lang may pake!
YOU ARE READING
Our Past || Jungkook x IU || Short Story
Short Story"We are meant to love each other but we are not meant to be together." Masakit man, pero yun ang totoo. Walang isang araw ang hindi sya umiiyak dahil sa labis na sakit na dulot ng kanyang pagmamahal. Iyak sya ng iyak kahit alam nyang ang lahat ay h...