Royale Series #2: The Great Pretender

147 8 0
                                    

The characters, events
and some places in this story are fictitious. This story is the product
of the Author's wild imagination. Any similarity to real persons, dead or alive is purely coincidental and not intended by the Author.

☆★★★★★★☆

Prologue

"Grandpa, I wanted to play there. Can I?! Can I?! " masiglang tanong ng batang si Allyana habang patalon-talon pa.

Kanina niya pa kasi natatanaw mula sa bintana ng nakahintong kotse nila ang mga batang naglalaro sa playground. Mukhang masayang-masaya kasi ang mga ito. Parang gusto niya tuloy sumali sa larong nilalaro ng mga ito.

"Princess, you shouldn't play with them, look at those filthy commoners. Tsk. Such trash in the society. " Pailing-iling pa na wika nito.

Nalungkot naman siya sa naging sagot ng Grandpa niya.

Palagi na lang kasi siyang nag-iisa. Wala pa siyang naging kalaro bukod sa mga kuya niya. At her young age. Alam niya na kung ano ang nakaatang sa kanya. Kailangan niyang maging isang matalino, mabait at masunuring apo sa kanyang Grandpa. Their Father didn't care about them at alam nila yun. Ang mahalaga lang kasi para sa Dad nila ay ang kanyang negosyo. In the first place bussiness is the reason why her Father marry their mother.

Malungkot niyang tinanaw ang mga batang naglalaro sa playground habang hinihintay umuusad ang traffic.

"I guess, I'll never have a friend." Bulong niya sabay buntong hininga.

Nakatingin pa rin siya mga batang naglalaro ng biglang isa sa mga ito ang nahagip ng mga mata niyang nakatingin rin pala sa kanya. Nagkatitigan sila. Ibang iba ang batang ito dahil may roon siyang magarang damit, blond na buhok, matangos na ilong, mapupulang labi, maputing balat at kakaibang mga mata na para bang nakaka~ basta. Sigurado siyang may lahi itong banyaga dahil sa itsura nito. Bakit kaya ito nakikipaglaro sa mga 'filthy Commoners' na sinasabi ng Grandpa niya eh mukhang mayaman naman ito?

"Princess, are you okay? " Liningon niya naman ang matanda at ngumiti dito.

"Yes Grandpa."

Ngumiti din ito sa kanya.

Ibinalik niya uli ang tingin niya sa bata. Nakatingin parin ito sa kanya pero nagulat siya ng dinilaan siya nito, tumalikod at tumakbo pabunta sa swing.

Ang weird naman nun. Naisip niya.

*******************************************************************************************************

"Young Lady, Pinapatawag po kayo ng Grandpa niyo sa baba. "

"Just a minute. I haven't finish combing Azalea's hair. Can't you see? " sagot niya sa Yaya niya.

"Young lady, Importante po daw eh. " Napakamot naman sa ulo ang Yaya niya dahil nahihirapan siyang intindihin ang ugali ng alaga niya. Minsan mabait tapos bigla-biglang magsusungit.

Itinigil naman ni Allyana ang pagsuklay sa kanyang manika at lumingon sa kanyang Yaya. Binigyan niya ito ng nakakamatay na titig.

Natakot naman ang Yaya niya.

"S~sige p~po. Hindi ko na po kayo pipiliting~"

"I'll go." putol niya sa sinasabi ng Yaya niya.

"Po?"

"I said I'll go." Ulit niya rito.

Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at naglakad patungo sa Yaya niya. Huminto siya sa harap nito.

Allyana: The Great Pretender [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon