MARICRIS POINT OF VIEW
"Hay. . . andaming requirements, anu ba naman to, next week exam na. Kaya ko to. . . Kaya ko to. . ., ako pa.
"Hoy Maricris tulala ka jan, anu bang iniisip mo lalake?? H'wag mo na siyang masyadong isipin mahal ka nun..." Sino naman kaya duh!!
"Yna naman eh, andami kaya nating dapat ipasang mga requirements, yun yung iniisip ko hindi lalake at kelan ko pa naman inisip yang mga lalake na yan."
Parang may mali ata sa huli kong sinabi ah babawiin ko nalang.
"ah. . . eh ..."
" Kelan ba kamo?? Mejo matagal na eh, pero sasabihin ko parin, Last year" siningitan pa ako sa sabihin ko.Babawiin ko na sana eh
<FLASHBACK> SCENE: MARICRIS AT YNA NAGLALAKAD PABALIK SA ROOM NILA
"Diba si Leo yun, yung Bf mo, Bakit kasama niya si Cathy at magkaholding hands pa sila"
"aba naman tong bf ko, ang sweet nya noh?" then i started to walk to them hinihila ako ni Yna pero hindi ako nagpapagil hanggang sa nakarating na ako sa tapat nila
"Hon" tumingin siya sa likod nila kung saan kami naroon.
"Ah . . . ehh.. Maricris nanjan ka pala" tatanungin pa eh nakita na nga kami.
"Ah wala , wala, ibang tao ako nakamaskara lang ako ng face ni Maricris " Bwisit lang eh noh
"Mukhang mabigat ata yang dala-dala mo ah, gusto mo hatiin natin para ako na mag buhat ng kalahati" habang nakatingin sa kamay nila ni Cathy
Nilayo ako bigla ni Leo kay cathy habang si Yna naiwan kay Cathy.
"Bitawan mo nga ako, Ha*** ka may pa panga-pangako ka pang nalalaman na ako lang mamahalin mo" hinubad ko yung singsing na binigay niya noon "Break na tayo heto singsing mo ipakain mo sa babae mo ng tumaba naman siya" tumalikod ako at nagtatatakbo habang umiiyak siyempre sinundan ako ni Yna bestfriend ko yan eh,,
Back to Reality
"Nag-iiiyak ka nga noon eh" ano daw?? hindi ko natutukan yung mga sinasabi niya eh , naimagine ko lang kasi yung nangyari noon eh
"Huy Maricris!! Nakikinig kaba? Haynaku"
"Pasensiya na wala na ako time para pag isipan pa mga yan" pero one year narin pala since nung insidenteng yun
"Tara na nga uwi na tayo" Buti naisip niya yun hahaha. . .
<music stop>
Halla!! umuulan na wala pa naman akong payong, pati rin ata tong kasama ko eh walang dala.
Naglakad kami may mahabang shed papunta ng main gate ng skul, tas may biglang dumating na kotse tumalsik 'yung pu tik samin white pa naman uniform namin.
"Badtrip naman oh, panu tayo makakauwi niyan ngayon?" nung tumingin ako may lalakeng biglang bumaba mukhang College na siya di man lang kami pinansin maitsura pa naman siya kaso ang yabang nakakotse lang eh kala mo na kung sino.
"Salamat sa putik ha. . . MR. YABANG" sinigaw ko yun pero hindi parin siya tumingin, ang yabang tlaga CONFIRMED.
Sa lakas ng pagkakasigaw ko nagsitinginan 'yung mga tao, nakakahiya and dumi-dumi namin.Buti nalang nakita kami ni Ric at inoffer yung sasakyan niya samin,halla wala kaming past, present, future or everyting baka kung anu iniisip niyo. Patay na patay kaya si Ric kay Yna , hahaha . . . yes makakauwi na kami.
Mas naunang nakauwi si Yna kasi malapit lang yung bahay nila sa school At sumunod ako. . .
"Salamat Ric ha" Thankful talaga ako sa kanya nakakahiya kasi sa jeep kami sasakay andumi dumi namin. .
" Walang anuman, basta ba tutulungan mo ako kay Yna ah, Bye" pwede naman siguro
"ok, thanks ulit, bye" tas umalis na siya
Nakapasok na ako ng bahay, naligo na rin ako hindi ko pinakita na madumi yung damit ko baka kung anu pa isipin nila. . .pagakatapos ko maligo at magpalit nahiga na ako sa kama at naiisip ko na naman 'yung mayabang na yun. . Hayy BADTRIP!! talaga
Pagkatapos kumain, nahiga ulit ako hanggang sa di ko na namanlayan na nakatulog na pala ako. . .zzZZzzZZ
