Wow ganda ng beach, ngayon lang ako nakapunta dito ha. . . parang ang gaan-gaan loob ko pag nandito ako at may maganda pang babae na papalapit. Teka mukhang sakin papunta ha.
"Hi babe" sabay kiss sa sakin lips
Huh!! Babe?? at may kiss pa sa lips?? sino siya??
"Hello babe" i answered back
aww bat ko nasabi yun, i don't even know her but she's beautiful and she's my type of girl.
"Tara maglakad -lakad muna tayo dun" tinuro niya dun sa lugar na walang masyadong tao.
"ok" i answered back
Naglakad-lakad kaming dalawa pero tahimik lang kaming dalawa, parang nabibingi ako wala man lang kahit anong tunog, meron, pero tunog lang ng mga alon at mga ibon.
then she stop and sat down sa may buhanginan, then sumunod na din ako sa pag-upo.
"ang ganda talaga dito noh, naalala mo nung una tayong nagpunta dito? Sana yung pagmamahalan natin parang yung langit ENDLESS " she said habang nakatingin sa langit.
hindi ako kumikibo since hindi ko naman matandaan na mayroong ganun. .
then together we watch the sunset, yung ulo niya nasa kaliwang balikat ko at yung kaliwang kamay ko nakayakap sa kanya.
Wait a minute hindi ko nga siya kilala eh, tapos ang sweet namin pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan. . .Hindi ko siya kilala pero ang saya ko ngayon sana ganito na lang lagi.
Gumagabi na pero nandun pa rin kami and same position pa rin . . .
Ang ganda ng langit together with the stars. . . then suddenly may faling star tinanggal niya yung ulo niya sa balikat ko yumuko siya at pumikit and nagwish. . .
Ang ganda niya talaga kasing ganda ng mga bituwin sa langit at ako ang langit niya siyempre hahaha!!!
Hinawakan ko yung dalawang kamay niya and nag face to face kami "I. . . I. . . "
then bigla akong nagising, so, panaginip lang ang lahat kung kailan masasabi ko na yung magic word eh. .ngayon pa nagising eh. Nandun na eh "I. . . I . . " ay bwisit nabitin ako dun ah. . .sana pala hindi na lang ako nagising para natuloy hayyy. . .
pumunta ako sa bubong ng 1st floor ng bahay namin since 2-story house yung bahay namin para magmuni-muni.
Tinignan ko yu ng oras 12:51am(Friday).
madaling araw palang pala
Humiga ako sa bubong at pinagmasdan ko ang kalangitan with the stars siyempre.
Then napaisip ako " Sino kaya siya??"
"Makikita ko pa kaya ulit siya?? di ko na matandaan yung mukha niya pero i'm happy being with her." then i smile =)
Uyy!! may falling star, di ako naniniwala sa ganito pero after nung panaginip ko wala naman masama kung susubukan ko diba??
sinubukan kong magwish na sana makita ko ulit siya at maulit yung nasa panaginip ko. . .
