IKA-LIMANG KABANATA

5 1 0
                                    

Aphrodite POV

"Hey are you okay? "nagaalalang salubong sa akin ni Katylyn Pilit na ngiti lang ang aking naging tugon

"Uwi nako"nagmamadali kong sabi at mabilis na nag-martiya palabas ng club narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Katylyn ngunit hindi ko na iyon pinansin at mabilis na nagtungo palabas

" Running away Eh?"

Tila naman ako Natulos sa aking kinatatayuan At ilang beses Napalunok hindi ko na malaman ang aking gagawin, Hindi ko nalamang siya pinansin at mabilis na nagtungo sa aking sasakyan

Pasakay nako ng bigla niyang hinablot ang braso ko kaya Napahinga ako ng malalim at ilang beses pinikit ng mariin ang mata ko bago siya tuluyang harapin

"What do you want? "pinilit kong ipakita sa kanya na hindi na ako naaapektuhan sa presensiya niya

Ngumisi lang siya ng nang aasar at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko. Hindi ka padin nagbabago

Harrison...

"You look good " Seryoso niyang sabi kaya hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin , mahirap mang sabihin pero tila yata nasiyahan ako sa kanyang tinuran

Tumikhim ako bago muling nagsalita

"Thanks. "matamis ang ngiti na gawad ko sa kanya, umiwas siya ng tingin pinagmasdan ko ang paglunok niya ng ilang beses at ang pag kunot ng kanyang noo hindi ko maiwasang mapangisi sa isiping May apekto parin pala ako sa kanya

"Ehem" tikhim niya at muling humarap sa akin hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang muka napakaperpekto talaga nitong huda-este lalaking ito

"Staring is rude" natauhan naman ako kaagad at Umayos ng tayo Gosh aphrodite back to your senses!

Umirap lang ako para maitago ang hiyang aking nararamdaman.

"Ano bang kailangan mo harrison!? " inis na tanong ko sa kanya tinignan nya lang ako ng seryoso kaya hindi ko maiwasang kabahan sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin

"Anong meron sa inyo ni carlos ha!?" seryoso nyang tanong, napatigalgal naman ako sa kanyang tinuran

"Ha? " ang naging tugon ko kitang kita ko ang paghinga niya nang malalim at ang pagtingala niya na para bang pinipigilang magalit

"Anong meron sa inyo ni carlos aphrodite! " Galit na sabi niya habang habol ang hininga hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi.

" Kung anong meron kami ni Carlos it's none of your fucking business " Malamig kong sabi. Omaygad congrats aphrodite !

" Akin kalang " Sabi niya habang ang kanyang mata ay matalim at diretsong nakatingin saking mga mata hindi ko maiwasang matakot sa klase ng tingin niya.

Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita

" Hindi mo ako pag-aari harrison. " Matapang kong sagot tila naman wala siyang pakialam sa aking tinuran

"Akin ka lang aphrodite akin lang. I Dont share whats mine " Seryoso niyang sabi at mabilis na umalis sa aking harapan. Hindi ko maiwasang mapahawak sa aking dibdib rinig ko ang malakas na pintig ng aking puso ano ba ito? Bakit ganyan ka harrison??

Nanghinina Akong pumasok sa kotse at Agad na napayuko na lamang sa manubela. Harrison Kung Kelan tanggap ko na, kung Kelan malapit na Akong masanay ng wala ka tapos tapos Argh!

Hindi ko maiwasang mapasabunot sa buhok dahil sa sobrang pagiisip. Mababaliw na yata akoo !

Huminga muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Ng ramdam kong okay nako agad kong inistart ang kotse ko at Agad na nagdrive pauwi Sa Condo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Very short update hahaks. Bawi nalang ako nexttime 😂

Vote and comment 😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lyric's Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon