Chapter Eleven: The Rescue

2.7K 67 4
                                    


Angelica Domingquez on the Media...

____________

Third Person's POV

Sa isang gubat ay mayroong isang kubo, sa labas ay para lang itong isang ordinaryong kubo na tinitirhan ng mga normal na mortal o immortal,pero kapag pumasok ka dito ay sobrang lawak at laki nito isa rin itong kulungan kung saan nakakulong ang mga guardian nila Aliston at ng iba pa. Matagal na nilang hinihintay na mahanap at masagip sila ng kanilang master, pero paano sila matotunton ng kanilang master kung hindi namin nito sila kilala........... kaya medyo nawalan sila ng pag-asa, pero gumawa parin sila ng paraan para makilala at matulungan sila ng kanilang mga Master, at yun ay ang magpakita si Mika sa kaniyang Master na si Aliston gamit ang kaniyang kaluluwa.

Nagtagompay naman sila sa kanilang plano, at nakilala naman ni Mika ang kaniyang Master kaya masaya ito humingi rin siya ng tulong sa kaniyang Master kaya makakaasa ito na tutulongan sila, kaso dalawang araw na silang nahihintay kaya medyo nainis ito.

Habang naghihintay sila sa pagdating ng kanilang mga Master ay gumawa naman sila ng paraan upang makawala sa mga kadenang nakaposas sa kanila para papaano ay kapag dumating ang kanilang Master ay madali nalang sila makaalis sa kubo o kulungan kung saan sila ikinulong ng mga Dark Magician.

"Nasaan na kaya sila?." bulong naman ni Mana sa kaniyang sarili pero rinig na rinig parin ito ni Blue.

"Baka papunta na sila dito. Maghintay nalang tayo, sigurado akong maiiligtas rin nila tayo." pagch-cheer up naman nito para hindi ma lungkot si Mana at ang iba pang guardian.

"Sana nga." ngumiti naman ng mapait si Violet.

"Huwag nga kayong ganyan. Para kayong walang tiwala sa nga master natin, baka nahihirapan lang silang itrack tayo kaya sila natatagalan." Jino.

"Ehh... Paano kung hindi naman talaga sila pumunta, umaasa lang tayo sa wala." Marlo.

"Tumigil na nga kayo, talaga bang mga guardian kayo ng mga Master niyo?." napatahimik naman sila dahil sa sinabi ni Hero, minsan lang kasi magsalita ito pero mapapatahimik ka talaga.

"ANONG PINAG-UUSAPAN NIYO AH!!." sita naman ng isa sa mga Hendro (Ito ang tawag sa mga Dark Magician) na nagbabantay sa kanila.

"Wala kana don." mataray namang sagot ni Violet, sabay irap nito sa Hendro.

Tsk. kahit na nasa bingit na kami ng kamatayan hindi parin talaga mawawala ang pagkamataray ng isang ito, manang-mana talaga sa kaniyang Master. =___= - sa isip naman ni Mico.

"Aba at sumasagot kapa ah, itong sayo." pagkasabi niya non ay bigla nalang sumigaw sa sakit si Violet dahil narin sa para itong unti-unting pinapatay dahil sa posas niya.

"ITIGIL MO NAYAN!!." galit namang sigaw ni Kevin habang ang iba niyang kasamahan ay ang sasama ng tingin sa Hendro.

"Hahahahaha!!.. eh kung ayaw ko, may magagawa ba kayo?. HA!!." ipinatuloy parin niya ang pagpapahirap kay Violet at talagang tumawa pa ito ng mala demonyo.

Lagot ka talaga saakin kapag nakaalis ako dito!." sa isip naman ni Violet habang nahihirapan parin sa sakit....

Ang mga kasamahan naman niya ay walang magagawa dahil nakaposas rin ang mga ito, galit na galit rin sila dahil sa ginagawang pananakit ng Hendro sa kanilang kasamahan. Sa isip nila ay parang pinapatay na nila ang Hendrong nanakit kay Violet.

"AAHHHHHH..... ACKKHHH..... AAHHHHH!!." tanging sigaw lang ang maririnig mo sa paligid, sigaw ng nasasaktan na si Violet.

"TAMA NA!!." hindi na nakayanan ni Mana ang nakikita na nahihirapan ang kaibigan nito, pero pinagtawanan lang ito ng Hendro.

Rakuzan  Academy: School for MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon