Nasa gym ako. Nag-aaral para sa isang subject ko.
Lumapit sakin ang kaibigan kong katatapos lang maglaro ng basketball.
"Kamusta na? Hahaha. Tagal nating di nagkita ah"
Ang mga unang salitang sinabi niya pagkaupo sa tabi ko.
"Kaya nga eh. Sobrang busy na kasi. Malapit nang mag exams"
Sagot ko sakanya sabay sara ng notebook na binabasa ko.
Tumayo kaming dalawa at sabay na naglakad papuntang cafeteria.
"Kaye may gusto akong sabihin sayo"
Pambasag niya sa katahimikan naming dalawa
"Hmmmm ano yun?"
Napataas ako ng tingin sakanya mula sa aking kinakain.
"Next time na pala. Gala tayo sa sabado"
"Sige ba. Bored na ein ako eh"
Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa kanya kanya naming klase.
Tatlong araw ang nakakalipas. Dumating ang araw ng sabado. Naghihintay ang aking kaibigan sa labas ng aming bahay.
Nagmadali na ako sa pag-aayos at lumabas na para puntahan siya.
Masaya ang araw na iyon. Hanggang sa bigla siyang sumeryoso
"Kaye may aaminin sana ako sayo"
Nabigla ako at hindi alam kung anong gagawin
"Gusto kita."
Hindi ako nakaimik dahil sa biglaang pag-amin niya.
"Handa akong maghintay. Alam kong hindi ka pa handa dahil sa nakaraan mo. Pero hihintayin kita"
Isa nanamang panaginip. Bakit? Sino sila?
<><><><><><><><><><><><><><>
AN:
Lahat po ng sinusulat ko ay base sa mga naaalala ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Dream
Short StoryI have a dream for about a month already. Then one day I met him. The guy in my dream.