Nung nasa High School ako naaalaala ko pa yung mga nagkagusto sakin. 1st year high school. Naaalala ko noon si Flor. Pagpapakilala palang nagandahan na ako sakanya. (Di ako pakboi)
Nagsimula lang kami sa pachat-chat dahil sa mga group projects. Hanggang yung pagchachat namin umabot na kahit tapos na yung group projects namin. Naging araw-araw na yung pagchachat namin. Hindi ko alam kung ano ba talaga to. Kaya I had the courage to ask her.
Nagkagusto siya sakin. Siya yung pinakamaganda sa klase naming noon. Oo, Inaaamin ko naging gusto ko rin siya. Pero gusto ko lang siya. Crush o paghanga lang ganon. Pero wala nang higit doon.
Nung nalaman laman na ng klase namin na MU kami, nag-assume na silang lahat na mayroon nang commitments. Ito na. Ito na yung mga kaibigan ni Flor na puro paalala. Hay nako no! Di pa man nga kami nag-aassume nang kami na. Wag kasi mag-aassume. Masakit.
So yan. Everything's going well for the first week. I think. Naaalala ko nun bigla nalang kaming di nag-uusap. Di nagtetext. Ganon. Isang araw tinanong niya araw. "Ano nang meron sa atin?"
"ABA! WALA NAMANG TAYO AH! MU LANG! GUSTO KITA, GUSTO MO KO. YUN LANG." yan yung gusto kong sabihin sakanya pero di ko nasabi.
"Hindi ko alam." Yun lang nasabi ko sakanya noon. Simula noon, ay hindi na kami nagpapansinan. Mga ilang linggo kaming hindi nagpapansinan sa klase. Maski magkagroup kami, hindi kami nagpapansinan.
Makalipas ang higit na isang buwan noon, nagkagusto ulit ako sa isang babae. Si Dency. Wala lang. Gusto ko lang siya. Tapos nilalapitan ko siya. Kinakausap ko siya. Ayun. Ganun ganun lang.
Medyo tahimik tong si Dency. Mga piling mga kaibigan lang niya yung nilalapitan niya at kinakausap niya. Kaya swerte ko na kinausap niya ako hahaha.
May boyfriend pala siya dati. Si Christian. Nasa kabilang section. Naging sila daw. Pero hindi sila nagtagal dahil sa mga issues na naririnig nila sa mga tao. Marami daw naging obstacles sa relasyon nila. Kaya nanghingi siya ng cool-off. Maraming buwan silang hindi nag-uusap.
Ang sarap kausap ni Dency. Unti-unting napapalapit yung loob ko sakanya. At unti unti ko na rin naming napapansin na napapalapit na ang loob niya sakin. Tumatawa siya kahit sa pinakacorny kong joke.
Ang dami niyang pinopost tungkol samin sa facebook tsaka twitter. Lahat ng ginagawa namin, hawak kamay, lahat ng pinagkukuwentuhan namin, na sa facebook at twitter! Aba. Masyado atang mabunyag yung relasyon namin na di naman relasyon hahaha. Medyo naturn-off ako doon kasi ayoko ng masyadong bunyag na relasyon. Isang araw chinat niya ako.
"Hello, Rich!""Hi, Dency."
"Musta tayo?" ABA! ITO NANAMAN?? ANONG KLASENG TANONG YAN? WALA! WALANG TAYO!
"Umm. Dency, may sasabihin ako." Medyo kinakabahan na ako.
"Ano yon?"
"Wala na akong crush xD" Sabi ko namang dineretso.
"Ay, ganon. Sasabihin ko na sanang nafall na ako. Pero, yan pala. Sige. Bye nalang." Yan yung huling message niya sa akin. Makailang linggo rin niya ako di kinausap nun. Pero, syempre. Ako, studies muna.
Oo, studies muna. Ganyan talaga ako. Since birth mas inuuna ko studies ko. Ewan ko ba pagpasok ko kasi ng highschool naglipana yung mga babaeng nagkakagusto sakin. Simula kay Dency nun, di ko na pinapansin yung mga nagkakagusto sakin. Study first. Yan yung sabi ko sa sarili ko nun.