*Kring kring kring*
Alarm ng phone ko, hays lunes na naman. Papasok ng maaga, stress sa school, maingay na classmates, bwisit na prof at.....
ang mga magugulong kaluluwa sa paligid.
Pumasok ako ng cr para maligo, habang nagtotoobrush ako may narinig akong kalabog sa labas ng cr. Hindi pa naman ako nakahubad kaya onti onti kong binuksan ang pinto sa cr at bigla kong binuksan ng todo. Nawala agad sila ah.
"Hoy pwede ba? Lunes na lunes ang aga aga ayoko ng maingay!" Sigaw ko. Actually ako lang ang nakatira sa condo ko.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at kumain ng almusal. Umupo ako at sa tapat ko ay may bakanteng upuan.
Biglang gumalaw ang upuan sa tapat ko.
"Alis! Bubugbugin ko kita!" Sigaw ko uli.
Pagkatapos ko kumain, inayos ko na ang mga gamit ko, inilagay sa bag at tsaka umalis ng bahay.
Guys hindi ako baliw. Sadyang nakakakita lang ako ng mga bagay na hindi niyo nakikita.
Ako si Jessy, Jessica Trinindad 19 years old, college student. I'm a boyish type but Im straight. Wala akong magulang, nasa heaven na ang nanay ko at ang tatay ko matagal ko na siyang hindi nakikita kasi may ibang pamilya na. So Im living on my own.
Kung tinatanong niyo, paano ako nakakapag aral? Sino sumusuporta sakin? Well, ako! Ako lang dahil meron akong trabaho sa gabi.
Im a psychic
Tulad ng sabi ko kanina, nakakita ako ng mga multo at nakaka usap ko pa sila, since nung bata pa ako nakakakita at namana ko ito sa magaling kong tatay (sarcastic) pero infairness may puhunan ako at dun ako kumikita ng pera.
Hindi ako gumagamit ng bolang crystal or what so ever, tatawagin ko lang ang pangalan niya kasama ang family niya ayun makaka usap ko na siya pero depende pa yun kung gusto nila magpakita o hindi.
Hindi na ako takot makakita ng multo, sa 19 years ba naman eh lagi akong nakakakita, matatakot pa ba ako?
So nasa school na ako. Wala akong friends dito, kasi yung iba akala nila baliw ako, kinakausap ko daw minsan sarili ko at nagagalit daw ako ng walang dahilan. Dahil lang naman yun sa mga makukulit ng multo. But its okay I can handle.
"Bibigyan ko kayo ng project by group, ito na ang groupings niyo" tinuro ni prof ang nakasulat sa white board.
Natapos na ang klase magtatanghalian muna ako."Jessy! Sumama ka samin mamaya pag usapan natin yung project" sabi ng isa kong kaklase.
"No. Kayo nalang, magiindividual project ako" sabi ko tsaka umalis.
"Ah okay"
"Ang sungit naman"
Mga pahabol nila. Told you, I can handle.Pumunta ako ng library at dun ako kumakain ng patago, ayoko sa canteen ang daming tao pero dito sa library konti lang at tahimik pa. Malaki ito merong second floor, dun ako sa taas walang tao. Sa tabi ako ng book shelves tumatambay, naghanap muna ako ng libro.
Habang pumipili ako, may naaninag ako sa gilid ko. Nagbuntong hininga lang ako at di iyon pinansin. Palapit na ito sa akin........
"Balita ko, nakakakita ka daw ng multong tulad ko" bulong niya sa tenga at ramdam na ramdam ko siya Pero bingi bingian ako kunwari di ko siya naririnig.
"Hoy!" Kinakalabit na niya ako. Di ko padin siya pinapansin.
"Hmmm... Di moko papansinin ha!"
Hinipan niya ang tenga ko pilit kong pigilan ang kiliti ko pero ang di ko kinaya.
"Ano ba!?" Pasigaw ko.
"Akala mo ah! HAHAHAHAHA" tawa tawa niya. Isang lalaking binata siguro mga 16 lang siya.
Piningot ko ang tenga niya
"Araaaaaaaaaay!! Ate tama naaaaaaaa araaaay!!" Sigaw niya.
"Problema mo bang bata ka?! At paano mo ako nakilala?"
______________________________
Hello everyone! Its so good to be back with a new amazing story. I hope you will still support me. Thank you 😊😊😊
©
BINABASA MO ANG
I'm With A Ghost [ONGOING]
Mystery / ThrillerEstudyante sa umaga Psychic sa gabi Im Jessy and I can communicate with a ghost Romance/Thriller ____________________________ Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang. Respetuhin po natin at huwag ibash. Thank you 😊