Chapter 7

28 3 0
                                    

"Pa?"...

Napatigil si Jessy nang makita niya ang kanyang tatay.

Napansin naman ng kanyang tatay na may kasama siyang multo. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang multo.

"Pa? Ang tagal niyo pong hindi nagpakita! May nangyari ba sa inyo?"

Kitang kita ang pag aalala ni Jessy, kahit iniwan siya ng kanyang tatay mahal niya padin ito.

"Okay lang ako anak" sabi ng kanyang tatay pero nakatingin parin ito kay Marco.

"Siya nga po pala si Marco"
Pakilala ni Jessy sa kanyang tatay

"Good evening po" bati nito.

"Pwede ba kitang maka usap anak?" Sabi nito

Pumunta naman sila sa kwarto ni Jessy.

"Ano bang nangyari sainyo? Bakit ngayon lang kayo nagpakita sa akin"

"Okay lang ako anak. Pasensya na kung di kita binisita simula nung nagkapamilya ako" paliwanag nito.

"Kaya ako nandito ngayon dahil kaarawan mo bukas diba? Ngayon ako pumunta kasi may business trip ako bukas" Dagdag niya

"Opo at salamat akala ko di kana naman pupunta ngayon" unti unti ng tumulo ang luha ni Jessy

"Sino nga pala iyong multo na kasama mo?"

"Ah si Marco, nakilala ko lang. Bakit po kilala niyo ba siya?"

"Hi-hindi! Ayoko lang na may kinakaibigan kang multo"

"Di ko po siya kaibigan. By the way pa, nagpakita naba sayo si mama?" Tanong ko.

"Hi-hindi pa anak eh"

"Jessica, hinahanap ka ng mga tao sa labas" sigaw naman ni Marco sa labas.

"Sige na anak ituloy mo nayun, aalis narin ako"

"Agad agad po?"

"Oo may lakad pa ako. Ito pala regalo ko sayo"

Binigay naman ng kanyang tatay ang isang box na maliit na sa loob ang kwentas.

"Salamat pa"

"Mauna na ako, happy birthday anak!" Lumapit ito kay Jessy at hinalikan sa noo.

Lumabas na ng kwarto ang tatay niya at bigla naman niyang nakita si Marco. Nagkatitigan ang dalawa, at unang umiwas ang tatay ni Jessy at tsaka umalis





"Bakit hindi niya ako natatandaan?" Bulong ng tatay ni Jessy





👻









Jessy

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, nagulat ako ng bumungad agad ang mukha ni Marco.

"Anong ginagawa mo? May balak ka bang pumasok dito?" Sabi ko na parang kagigising lang na mukha.

"HAPPY BIRTHDAY!!" sigaw niya na may kasamang sipol gamit ang kanyang kamay.

"-_-" ganyan ang tingin ko sakanya at ngumuti lang siya.

"At paano mo nalaman?" Tanong ko na naka crossed arms

"Nakita ko yung picture niyo dun oh ng mama mo na may hawak kang cake tas sa baba may date so inisip ko na baka birthday mo" nakangiti niyang sabi.

Pumunta naman ako sa kusina para magpainit ng tubig.

"Anong oras tayo aalis?" Tanong niya.

"Mamaya" tipid kong sagot

"Ohh!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, nakaturo siya sa necklace ko na bigay ng tatay ko kagabi.

Lumapit siya sakin as in sobrang lapit at hinawakan ang kwintas ko, naging dahilan naman nun ng pagbilis ng tibok ng puso ko.



Marco

"I think I saw it somewhere" sabi ko habang nakatitig padin sa kwintas niya

"Ah!" Biglang sumakit ang ulo ko at may mga bagay na lumilitaw sa utak ko.

Nakikita ko na may binigyan ako ng kwintas

"Uy ayos ka lang?" Pagalalay ni Jessy sakin

"Parang may naalala ako?"

"Talaga?! Ano yun?!"

"May parang binigyan ako ng kwintas kaso di ko nakita kung sino yung binigyan ko eh"

"Sige makakatulong yan para malaman natin and nakaraan mo" sabi niya at tumango naman ako

Pumunta na kami sa school niya. Sinimulan ko ng alalahanin ang mga dinaanan ko bago ako makarating sa school ni Jessy.

"Tara dito tayo" sabi ko at sinusundan lang ako ni Jessy

"Sigurado ka ba? Nililigaw mo naman ata ako. Malayo na to sa school!" Sigaw niya.

"Magtiwala ka sakin basta sundan mo lang ako"



Jessy

Haaays magiisang oras na ata kaming naglalakad dito! Pagod na ako.

"Hoy malayo pa ba? Pagod na ako!" Sigaw ko sakanya dahil nasa likod lang niya ako naka sunod sa kanya.

Lumingon siya

"Satingin ko ma-----" di natuloy ang sasabihin niya at bigla siyang tumakbo papunta sa akin.

"Tabi!!!" Sigaw niya

At tinulak niya ako sa gilid, napadapa ako. Nakita ko naman na tumigil ang motor na muntik ng makabangga sa akin.

Tumingin lang ito sa amin at umalis. Naka helmet ito kaya di namin nakita ang mukha

"Gago yun ah!" Sigaw ko

"Okay ka lang?" Tinulungan naman niya akong makatayo.

"Oo. Salamat" sagot ko

Hinawakan niya ako sa braso ko na ikinagulat ko at ang puso ko na naman ang bumibilis

"Mag iingat ka na sa susunod ah" sabi niya at tsaka tumuloy sa paglalakad. Doon ko lang nakita ang kagwapuhan ng lalaking iyon.

Saglit akong di nakagalaw. Sinampal ko ang sarili ko para magising at sinundan lang uli siya.

After 20 mins na paglalakad, huminto kami sa tapat ng mataas na building.

Lumingon uli si Marco sakin na naka ngiti

"Nandito na tayo"














______________________________

Have a good day! 😊

©












 I'm With A Ghost [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon