Chapter 2

54 6 0
                                    

Pagmulat ko ng mata, tirik ng araw agad ang nakita ko at mataas na gusali. Nakahiga ako ngayon sa kalsada na katapat ng mataas na gusali. Tumayo ako. Nasaan ako at bakit ako nandito? Nakasauot ako ng school uniform.

Bakit wala akong matandaan?




Umalis ako sa kinatatayuan ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Saan ako nakatira? Sino at nasaan ang mga magulang ko? Sino ako? Mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Nasa tawiran ako. Nakita kong naka red pa yung stop light kaya tumawid pero biglang nag green ito nung nasa gitna ako ng tawiran. Nakita kong direderetso lang ang motor sa akin, pinikit ko ang mga mata ko.


Pero wala pa rin akong nararamdaman. Anong nangyayari?



Dinilat ko ang mga mata ko, nasa gitna parin ako ng kalsada isang sasakyan ang papunta sakin pero di ko pinikit ang mata ko......


Tumagos ang sasakyan sa katawan ko, na walang nararamdaman. Patuloy parin ang mga sasakyan na tumatagos sa katawan ko. Nag Red na ang stop light at may mga taong tatawid na parang di nila ako nakikita. May papalapit na lalaking nagcecellphone sa tapat ko.

"Uuuuy!" Sigaw ko sakanya pero parang sasakyan uli na tumagos lang sa katawan ko.

Napatigil ako. Bakit ganito? Bakit parang nagiinvisible ako? Walang nakakakita sa akin. Anong nangyayari sa akin?







👻







Jessy

Umiiyak ang babaeng nasa harapan ko ngayon para magpakausap sa kanyang namayapang kasintahan.

"Magbabayad po ako kahit magkano makausap ko lang po ang bebe loves ko" umiiyak niyang sabi. Napataas ang kilay ko, bebe loves daw, corny ah.

"Ano po bang pangalan ng bebe loves niyo?" Tanong ko.

"Alejandro Patay" Ha?

"Pa-Patay?"

"Apilyedo niya po yu-yun"

"Ahhh okeeey. Pero bago muna po natin siya tawagan. Magbayad na muna po kayo" ngiti kong sabi at inalok sa kanya ang lalagyan ko ng mga bayad.

"Magkano po ba?" Tanong niya.

"Sige po para sa bebe loves niyo, 4,000 nalang"

Napatigil siya sa pag iyak. "Po?"

"Ah sige po ito na" kumuha siya ng pera sa wallet niya at nilagay ito sa lalagyan ko.

"Salamat po. Magsisimula na tayo"

Nasa isang maliit na kwarto kami,pinatay ko ang ilaw at isang kandila ang nakasindi sa mesa na nasa harap namin.

"Kaluluwa ni Alejandro Patay? Tinatawag kita dahil nandito ang iyong kasintahan at gusto kang makausap. Alejandro Patay magpakita ka, maririnig at makikita kita" sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.


"Kris bebe loves ko!!"

Dumilat na ako nang may nagsalita. Siya nanga siguro si Alejandro, nakakainis yung bebe loves nila ah.

"Kris po pala ang pangalan niyo" sabi ko.

"Paano mo nalaman?"

"Nandito na siya at tinawag niya kayo?"

Umiyak pa siya lalo

"Nasan siya?" Tanong ni ate Kris

"Nasa may kanan niyo lang po siya"

"Bebe loves ko!!!!"

"Bebe loves!!"

Sabay pa nilang ngawa.






Pagkatapos ng ilang minuto naubos narin ang mga tao. Halos mahigit sampu ang pumunta ngayon sa akin malaki laking pera din ang nakolekta ko.



👻




Halos isang linggo na akong nandito sa kalsada pero wala paring pagbabago, invisble parin ako dito. Di ko na alam gagawin ko.

Habang naglalakad ako, huminto ako sa tapat ng isang school. Napa isip ako, baka sakaling dito ako nagaaral kaya titignan ko kung parehas ba ung uniform nila sa uniform na suot ko.

Lalapit na sana ako sa guard kaso di nga pala niya ako nakikita kaya dideretso nalang akong papasok.

May lumabas na babaeng maganda kaya nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad ako papasok.


Nagtama ang mga mata namin.


Napatigil ako sa paglalakad totoo ba yun? Nakita niya ba ako? Wala namang ibang tao sa likod ko at sure akong saakin siya tumingin

Lumingon ako para habulin siya.....



















___________________________

I will do my best guys to publish a chapter everyday 😊👻

©





 I'm With A Ghost [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon