A Letter Of Goodbye (In His POV)

66 2 0
                                    

Gago ba ko? Alam ko. Gago ako para paasahin yung bestfriend ng girlfriend ko sa wala. Gusto ko siya. Oo, totoo yun. Tangina totoong totoo yun! You don’t know how much I want her. You don’t know how much it pains me ignoring her. F*ck! It is so damn hard! It’s so hard restraining myself from taking her away. May girlfriend ako tapos may gusto akong iba? Alam kong mali. Maling mali. Pero wala e, ginusto ko ‘to. Ang mahalin si Alyanna.

 

Matagal na kami ni Ysabel. Mahal ko ang girlfriend ko. It’s just that, Yanna, being different from any other typical girl, makes her special to me. Matapang na babae si Yanna, maangas, ayaw sa pink, ayaw sa tao, saka childish at mahilig sa strawberry. I somehow got fond of her, no, I really got fond of her. Hanggang sa hindi ko alam nagugustuhan ko na pala siya. I tried to act normal. To treat her as a ‘friend’ for this such feeling of mine to fade but what happened is the opposite. Lalo akong nahulog sa kanya, lalo akong nasasanay sa presensya niya na halos kasama na siya sa sistema ko. To be honest, when I’m with Alyana, I almost do forget Ysa. Si Ysa? Normal na babae lang siya. But she’s way too different from Yanna. Babaeng babae siya mula ulo hangang paa. Yung ‘kaartehan niya, kasama sa minahal ko.

 

1 month na mula nung huli kaming magkita/magkausap ni Yanna. Oo, lumayo ako. Nag-isip isip. Wala ‘to sa plano ko. Ang iwan bigla si Alyanna. God knows I’ll do everything just to be with her. Pero nung nangyari yun, natakot ako.. ‘Di ko alam na aabot sa ganun. Hindi ko inaasahang mangyayari yun.. na iiyak si Alyanna nang dahil sakin..

 

Isang araw nun, nanunuod kami nang 500 Days of Summer. Pang-apat na beses na naming napanood yan, naging favorite namin kasi sabi ko yan yung unang movie na inyakan ko. Lagi niya nirerequest kasi aliw na aliw siya pag naluluha ako. Patapos na yung movie nang mapansin kong nanahimik yung kasama ko, usually kasi tititigan ako niyan aantayin yung luha ko.. kasi naman pala hayun tulog ang prinsesa. Inayos ko yung higa niya, pinatong ko yung ulo niya sa hita ko para madiretso niya yung paa niya sa sofa. Nilalaro ko yung buhok niya para mas masarap tulog niya.. she loves this. Ang peaceful ng muka niya habang natutulog, babaeng babae. Pero kapag gising, kayang kaya kang balian ng buto. Haayyy, bok.. sana lagi kang tulog. Kaso lalo akong mahuhulog sayo nyan kapag ganyan ka. Tatayo na sana ko para kumuha nang kumot kasi lamigin ‘to e, kaso bigla siyang nagsalita..

“Ryan..”

Sleep talking. Sanay na ko dyan, kala ko nga nung una nantitrip. Pero ganyan daw talaga yan sabi ni Ysabel, tapos paggising di maaalala pinagsasasabi. Kinausap ko na lang kunyari,

“Sandali lang po mahal na prinsesa ikukuha ho kita ng kumot. Di kita mabubuhat sa kwarto, laki laki mo e.”

Di basta basta ‘tong babaeng ‘to. 5’8 ba naman ang height? E 5’10 lang ako, tss. Paakyat na ko nang nagsalit ulit siya.

“Iwan mo na siya please? Gusto mo naman ako dba? Dba? Ako na lang Ryan, please.”

Nagulat ako sa naririning ko kay Alyanna. Akala ko gising siya at kinakausap ako pero paglingon ko tulog pa siya.. at umiiyak.

“Bok, please? Ako na lang. Nakakasawa maging pangalawa. Ako naman unahin mo bok, please.”

And there, di ko na alam kung ano bang mararamdaman ko sa naririnig ko kay Alyanna.. natakot ako. Natatakot ako. Nasasaktan akong makita siyang ganyan. Kinabahan ako lalo nung humagulgol na sa iyak si Yanna. Ano bang nangyayari sa panaginip niya? Di ko ba siya pinili? Iniwan ko ba siya? Natatakot ako. Halos mahulog ako sa hagdan pabalik kay Yanna para gisingin siya.

“Alyanna! Wake up! Yanna! Bok! Binabangungot ka!”

 Siya mismo nagtataka kung bakit siya umiiyak. Di mo ba talaga alam bok? O ayaw mong sabihin sakin?

A Letter Of Goodbye (In His POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon