Introduction :

1K 39 18
                                    

Introduction :

"Ang lamig " sabi ko

 Napaka puting snow , Yuki .  

Mayroong nagsasalita pero hindi ko alam kung sino. Isang boses ng babae

Anong napaka puti ? Ano ang snow ?" sabi ko habang hinahawakan ang bawat puting maliliit na nahuhulog galing sa langit .

 Iyan ang bagay na hindi kulay pula .

 sabi ng isang boses

" Bagay na pula , ay ano ? " sabi ko. May naglalakad , papunta sakin. Isang lalakeng naka itim.

Nawawala ka ba , maliit na bata ? " sabi nya at itinaas ang kanyang ulo kaya kitang kita ang kulay ng mata nya.

Siya ay isang --- !

PWEDE BANG INUMIN , ANG DUGO MO ? " Ang pula ng mata nya ! Nakita kong may lumabas na matalas nyang ngipin. Nakakatakot sya ,

Isang mapanganib na nilalang na pinapatay at iniinom ang dugo ng tao.

" RAAAAWWRRR " Kakagatin nya ako ! Papatayin nya ako !

Akmang lalapitan nya ako , pero humakbang ako patalikod , at dahil don ay natisod ako. Nakakatakot ang mata nya pero nahawakan nya ako

"  H - Hinde ! " sigaw ko 

Pe- pero may sumagip sa akin. Sa isang iglap lang ay nakahandusay na ang halimaw na yon. Napatay nya ang halimaw na yon. Tumalsik ang dugo. Isang bata , batang lalaki at parang ka edad ko lang sya ?

" Napaka laking kahihiyan niyo sa mga BAMPIRA " Sabi nya sa pinatay nyang halimaw. Ang lamig ng boses nya. Nakakatakot. Nanginginig ako ,nanatili parin akong nakaupo dahil sa natisod ako. Akala ko mamamatay na ako .

BAMPIRA , Huwag na huwag kang lumapit sa mga bampira .

Ang boses na iyon na naman . Anong ibig sabihin nya ?

Lumapit ang bata sakin , ma-- mayroong dugo ang kamay nya! Natatakot ako .

Pero nilapitan nya ako at tinanong , "  Ayos ka lang ba ? " sabi nya habang inaabot ang kanyang kamay sakin para makatayo ako. Inabot ko iyon at niyakap ko sya ,

Kapag lumapit ka ..

Ang mga matang iyon ..

Aalipin ka ..

Isang boses na hindi ko kilala ang nagsasabi nito . Hindi ko alam kung saan .

Pero , isa lang ang nasa isip ko ngayon , at iyon ay buhay ako. Salamat sa kanya .

VAMPIRE KNIGHT ( Anime )

written by SheIsAPretender

Vampire KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon