RGFL: Chapter 1

80 4 0
                                    

Freya's POV 

Heto ako ngayon namimili ng cleaning materials kasama si Erry. Ugh. Sarap talagang pektusan nung kumag na Red na yun. Ano bang pinagkabisihan nilang mga officers sila? Tanging ako na lang ba ang magiging masipag.

"Ano ba kelangan naten Erry? Huhuhu. Sura talaga yung Red na yun. Kuuh. Nakakagigil." Sabe ko kay Erry habang si Erry ay nagtitingin ng kung anu-ano. 

"Cleaning materials diba? Walis. Dust-pan. Basurahan. Tsaka basahan na din besh." Habang sinasabe yun ni Erry ay sabay ang kuha niya ng mga materials na iyon. Kaya naman ako? Sarap buhay. HAHAHAHA! Taga tulak ng push-cart. Syempre push cart nga eh. Pupush ko to ng bonggang bongga.

"Eto na ba lahat? Hehez. Salamat Erry laki ng natulong mo. HAHAHAHA!" Tumatawa kong sabi kay Erry. Lumabas naman si Erry habang nagbabayad ako sa counter. Ng makapagbayad ako sinundan ko na siya. 

"FREYAAAAAAAAAA!" Nang-gigigil na bungad sa akin ni Erry. Ano na naman kayang problema ng babaitang ito?

"Oh? Chill ka lang. Hahaha!" Sabe ko sa kanya. Anong nangyare kaya dito?

"Akala ko ba busy kamo yang si Red na yan? Hayun oh. Nasa 7/11 kasama yung si Grey tsaka may mga chix. Gago nun ah. Makapagutos lang pektusan ko siya eh. Hala tara dun. Sasapakin ko yun ng bongga. Ugh."

At hayun nga nasunod na naman ang kaibigan kong gaga. Nagpunta kaming 7/11. Bumili muna ako ng inumin habang si Erry? Hayun naghahanap ng pagkain. Akala ko ba sasapakin niya? Siguro nagugutom na naman to. Hahahaha!

Nung magbabayad na ako, bigla akong tinawag nung kasamang lalaki ni Red na hindi ko naman kilala at pinalapit ako. 

"Hi, ikaw ba si Freya?" Tanong nung lalaki.

"Yes po. Bakit po?" Matipid ko namang sagot sa kanya. Di ko kasi kilala e. Hahaha!

"Ako nga pala si Grey. Pasensya ka na kung gago tong kaibigan ko ah" Paghingi ng tawad nung Grey. Mukha tong mabait tsaka pogi din. Hahaha!

"Upo ka muna Miss President" Pag-aaya naman ni Red sa aking umupo. 

"Ah. Hindi na. Kelangan ko pa kasing dalhin sa school yung MGA pinaBILI mo" Nilagyan ko talaga ng diin yung mga at bili para naman makaramdam siya ng guilt. Buh. Busy daw. Yun pala lalandi lang dito sa 7/11.  Kaasar.

"Oy. Freya bayaran mo na yan dito dali." Tawag naman sakin ni Erry habang nagbabayad na siya dun sa counter agad naman akong nagpunta dun at nakisabay na din sa pagbabayad. 

Lalabas na sana kami ng biglang may humigit ng mga dala. Nagulat ako. Kamuntikan ko ng maisampal yung dustpan. XD 

"Woah?" Sabay pa naming nasabe ni Erry. 

"Samahan ko kayo sa school. Kahiya naman kasi sayo Freya girl." Biglang sabe netong si Red. Freya girl? 

"Woah? Fre-ya girl. Hahahaha! Oy Freya sorry hinihintay na talaga ako ni Babe kaya nagmamadali talaga ako. Tutal anjan naman yang gagong manguutos na yan siya na lang isama mo ah?" Sabe ni Erry ng patawa tawa pa. 

"Maka-gago." Nakatawa pang sabi netong si Red sa kanya.

"E-Eh? Sige." Pumayag na lang ako tutal lalagay lang naman namin e. 

Habang naglalakad kami papuntang school hindi man lang nagsasalita tong si Red ang boring tuloy. 

"Ah. Red?" Pagoopen ko sa topic. 

"Hmm?" Sagot naman niya habang nakasmile pa din. Pansin ko dito hilig niyang magsmile ah.

"May mga problema ka din ba sa buhay? Err. I mean matalino ka naman lalo na sa math, habulin ng chix, galing sa sports. Mukhang perfect na buhay mo eh." 

Tiningnan naman niya ako ng seryoso. Pero bigla din siyang nagsmile. Nababaliw na to sure ako. XD

"Madami akong problema." Seryoso pero nandun pa rin yung mga ngiti niya. 

"Tulad ng ano?" Automatic ko namang napatanong sa kanya. Hahaha! Sorry may lahing chismosa eh.

"Ka-gwapuhan ko. Pamilya ko. Girlfriend." Habang sinasabe niya yun nawala ang mga ngiti niya. Para bang sumama yung aura? 

"Girlfriend? Ano bang mga type mo Red? " Tanong ko pa sa kanya habang umaakyat na kami papuntang classroom.

"Yung hindi manloloko. Not a cheater." Tipid pa din niyang sagot.

 "Pano pag yung girlfriend mong naghanap pa din ng iba?" Tanong ko pa sa kanya pero promise huli na to. HAHAHAHA! Masyado na akong chismosa. 

Nagulat ako sa ginawa ni Red. Yung tipong sasakalin ako? Pero di naman niya ginawa.

"Papatayin ko siya." Sagot niyang seryoso.

"Pero joke lang yun. Hahahaha!" Sunod niya pa. Ako? Eto natulala. Siguro ang taong tulad ni Red ay may problema ding pinagdadaanan kahit ganon. 

Di na lang ako umimik at kinuha yung bag ko iniwan ko kasi inuna ko muna yung pagbili ng gamit. Si Red naman? Hayun nilagay sa lagayn yung mga gamit. Hindi naman pala siya gago tho' yung mukha niya mukha talagang gago. Pogi naman. Napansin ko rin yung mga mata niya kapag nagsmile yun siguro asset niya.

"Nga pala Freya, bukas. May meeting ang mga presidents." Pahabol na sabe ni Red sa akin nung nakita niya akong aalis na. 

"Okay. Sige. " 

"Bye. Ingat." Pahabol pa uli niya. Ganyan siguro siya sa lahat. Kaya pala sikat siya. Di tulad nung ibang lalaki. Porket sikat na hindi na agad pwedeng maging mabait? Yumayabang. 

Red's POV

"Bye. Ingat" Huling sabe ko kay Freya bago siya umalis. Wala man lang siya sinagot. Hindi man lang nagsabeng 'bye din'. Ano ba yan.

Ako pa yung naiwan dito. Diba dapat siya?  Dahil mabait ako at masipag di tulad ng president namin inayos ko na din ang mga desk. Habang inuusod ko ang mga desk may nakita akong wallet. Kulay pink. Rabbit pa yung design. Baduy. :3

**

Palabas na ako ng school ng makita ko  si Freya. May hinahanap na kung ano sa mga sulok ng daan. Diba kanina pa siyang umalis? Teka baka naman hinihintay ako neto? Mga babae nga naman.

"Asan na ba kasi yuun?" Rinig kong bulong niya habang naghahanap. Sus. Kunware pa to ako lang naman hinihintay. Mga babae nga naman.

"Asus kunware ka pang may hinahanap eh hinihintay mo lang naman ata ako." Biro ko sa kanya ng makalapit ako. 

Di naman niya ako pinansin at nagpatuloy sa paghahanap na parang walang nakita isang gwapong Red na tulad ko.

Parang siya yung ex girlfriend ko. Gantong ganto siya nung unang makita ko may hinahanap din. Peroo..

"Sayo ba tong wallet na to?" Tanong ko sa kanya ng makita kong pagod na siyang maghanap.

"Ayan nga yung wallet ko." Sigaw naman niya nung nilabas ko yung wallet. 

"Bakit di mo kaagad sinabe pinahirapan mo pa akong maghanap dito?" Sabe pa niya.

"Malay ko ba?" Sagot ko naman sa kanya habang binibigay yung wallet niya.

"Shish. 6 na lagot ako neto. Sige salamat. Byebye." Pagpapaalam naman niya sakin.

"Hatid na kita." Sabe ko naman sa kanya. Di naman kasi pwedeng pabayaan ng isang poging tulad ko ang isang babaeng umuwi ng magisa lalo na't gantong oras.

"No thanks." Sabe niya pagtapos ay tumakbo na. Hindi ko na siya sinundan kasi siya naman yung umayaw sa pagpapahatid diba? Wag pilitin ang ayaw.

_ _ _ _ 

Vote

Comment

Follow. 

Rebound Girl's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon