RGFL: Prologue

107 4 0
                                    

Siguro naman kapag huling taon na ng pagiging isang high school student dito natin maiisip na kailangan talaga naten itong ienjoy diba? Gusto nating makakita ng mas madaming totoong kaibigan. Gimik sa tropa at lalong lalo na ang makaranas mainlove.

FREYA'S POV

WAHHHH! Last year na ng sarap buhay ko. Susunod na yung pinakamahirap na stage sa buhay ang pagiging isang istudyante ng kolehiyo. Kelangan ma-enjoy ko ng bonggang bongga tong last year of being highschool. Wooo.

Naglalakad kaming tatlo ngayon papuntang school nina Erry at Ken. Tong lovebirds talaga to. Mukha tuloy akong P.A nilang dalawa. Maging sweet ba naman habang kasama ako? Eh di super awkward tuloy ako. Hay. Kupido kasi panain mo na kasi yung puso ko ng maranasan ko namang mainlove kahit papano. Ang saklap kaya maging single. So ano? Single porebs lang ang peg ko?

"Mukha kang baliw, Kenndy oh. Ayusin mo kasi dapat tong polo mo ganto ang ayos. Hay nako naman babe." Pagpuna ni Erry dun sa polo ni Ken habang tumigil sila't inayos niya iyon. Ako naman dumiretso na lang sa paglakad. Hay. Yung feeling talagang napaka out of the world ko na? :3 No boyfriend since birth eh. Virgin 100%. Never been touch. Never been kiss. Never been hug, well except Erry. Gusto niya lagi ng super hug. 

"Woy. Sandali lang naman Freya excited netong pumasok oh. Iwan ba naman kami ni Babe" Habol sa akin ni Erry. Aba naman diba syempre OP kaya ako. 

"OP ako e. Huhuhu" Humarap ako sa kanya at sinabi iyon sabay acting ng kunware iiyak ako.

"Oy grabe di naman eh. Tara na nga sa room." Sabi niya sabay hatak sa akin. Ay ano ba to? Iiwan yung boyfriend? 

"Ay weyt pala. Babeeee! Sunod ka na lang. Mwa." Sigaw ni Erry sabay harap kay Ken ng buhay niya. Ewan ko ba dito sa dalawang to nagtagal sila ng bongga. Since first year pa yang dalawang yan eh. 

**Corridor papuntang classrrom

7:30 am

"Ay late na tayo Erry. Lagot tayo neto." Paninisi ko kay Erry habang tumatakbo kami papuntang classroom namin. Wrong timing naman kasi.

"Sorry naman bes. Di ko na napigilan eh. Alam mo yung feeling na kapag di ko nilabas eh sasaman talaga ako ng pakiramdam? Masama bang matae sa first day of class. Grabe ka manisi dyan ah." Sagot naman niyang mahinahon sakin. Luka kasi neto eh. Di pa itinae na lang sa bahay yung dapat itatae dito. Choosy.

Humihingal kaming tumigil ni Erry sa pinto ng classroom namin. Hindi ko magawang mabuksan ang pinto kasi natatakot ako. Baka mapagsabihan agad ng guro unang araw ng klase pa man din. Si Erry? Hayun makapagpahinga ay agad binuksan ang pinto na parang walang takot. Baliw talaga.

Lahat nagtinginan sa amin nung pumasok kami. 35 minutes late ba naman. Hay nako.

"Wala kaming pinatay. At di kami kriminal. Makatingin kayo diyan ah. Dukutin ko mga eyeballs niyo diyan sa eye sockets niyo eh." Pagmamataray naman netong si Erry lakas ng loob niya ah. Kami na nga tong late siya pa tong may ganang magmataray. Ibang klase. HAHAHAHA!

"Ehem." Pagpaparamdam naman nung gurong nasa unahan na nagpapakilala na siguro. Diba ganon naman talaga sa simula kelangang magpakilala muna? -__-

"Ay. May teacher na po pala. Hahaha! Sorry." Paghingi naman ng paumanhin netong si Erry na may pakamot kamot pa sa ulo. 

"Pwede bang paki-explain kung bakit kayong dalawa late?" Mahinahong tanong naman sa amin ng adviser siguro namin yun. 

"Ah.. Ehh..." Sasagot na sana ako kay Mam ng biglang magsalita naman ng dire-diretso si Erry.

"Sorry Mam. I pooped po eh.  Sorry di kinaya ng powers ko. Hahaha" Direktang sabi naman ni Erry kay Mam. 

Napuno ng tawanan ang classroom namin. KAhit ako di ko na rin napigilang tumawa. HAHAHAHAHAHAHAHA! Ikaw ba namang umamin na kaya ka nalate sa unang araw ng pagpasok eh dahil natae ka? XD Kahit si Mam natawa dahil sa sinagot ni Erry. HAHAHAHA!

"Uhh? What's so funny 'bout that guys?" Pagtatanong naman ni Erry sa buong klase ewan ko ba dyan. Baliw lang ata talaga.

"Ehem. Erry. Pwede kang umupo sa tabi ni Ken dahil it seems like he saved you a seat. At Ikaw naman Freya? Hmm. My vacant seat pa ba?" Pagtatanong ni Mam sa klase. Grabe na. Ako na naman yung wala. Aish.

"Yes Ma'am. Dito po sa tabi ko." Sigaw naman ni Red. Yung mga kaklase ko naman nagsigawan. Tatalandi naman.

Agad naman akong umupo dun sa upuan na itinuro ni Red at umupo na. 

"Ang swerte naman niya. Katabi niya si Red." Rinig kong bulung-bulungan ng mga kaklase kong babae. Ay oo nga pala si Red nga pala ay sikat. Kaya pala ganto. 

Lumipas ang isang linggo at naging close kami ni Red. Madaldal din pala to. Halos lahat kaclose na niya sa room. Ako pala ang ginawang class president ng mga unggoy kong kaklase sa pamumuno ni Red. Bilang ganti? Ini-nominate ko siya bilang Vice at siya naman nga ang nanalo. Fair enough.

"Okay class. Pakitago lahat ng gamit. May long quiz." 

WHUT? HINDI AKO NAKINIG TAPOS MAY SURPRISE LONG QUIZ? ANO NA LANG ISASAGOT KO? MATH PA NAMAN TO. SHIT.

After checking**

TT^TT <--- Mukha ko habang tinititigan ko yung quiz results ko. 8/30? Asar. Bakit ba kasi hindi ako biniyayaan ng talino sa math?

"Kahit pagbali-baliktadin mo pa yang test paper 8 ka pa din." Bulong ni Red sa akin habang tinitingnan ko ang results ng quiz ko. 

Hindi ko na alng siya sinagot dahil baka masapak ko to ng di oras. Porke magaling siya sa math ah.

"Nga pala kelangang bumili ng officers ng mga cleaning materials. Aasahan kong ikaw na ang bibili Freya diba?" Sabi pa niya sakin. Ano ako utusan nila?

"At bakit ako? Officers nga diba? Dapat tayo lahat noh." Pagtutol ko sa kanyang sinabe. Aba di naman patas yun.

"Ah. Okay sige ayaw mo pala eh. Okay lang." Bigla siyang tumayo pagkasabe niya nun at sumigaw.

"Uhh. Classmates alam niyo bang..." Sinapak ko nga to ng isa alam kong sasabihin niya sa buong klase na ang president nila ang nakuhang score sa exam ay 8/30. Kamusta naman yun.

"WAHHH. OO NA AKO NA. BWISET KA TALAGA RED" Sabe ko sa kanya at pinaupo na siya.

Rebound Girl's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon