Teacher! Teacher !!

3 1 0
                                    

"Teacheeeeer, si bunot po umiiyak"

Natatarantang sumbong saakin ng aking estudyanye habang tumatakbo papalapit saakin.

"Ha? Bakit? Anong nangyari bakit umiiyak si bunot?"

"Nakita kopo si kulot kanina po sinapak po sya"

"Ano?! Sandali nasan ba sila?"

"Sa Room po teacher!"

Sabay naming tinakbo ng estudyante kong si gelay ang classroom mula faculty.
Jusko, mahirap talaga maging pangalawang nanay kung ganito ang mga magiging anak mo..

Habang tumatakbo kami, Magpapakilala na ako..

(Sasamantalahin ko lang to bes.HAHAHA)

*hingal. Wooh.

Well, ako nga pala si Zarah Rozol, fresh graduate ng Bachelor of Science in Secondary Education.. nagtuturo ako dito sa Elementary Department ng Angelicum College.. grade 6 - Saint Francis of Asisi ang advisory class ko. Mas mahirap pa pala sa inaakala ko ang pagiging guro pero wala namang madali sa mundo diba? Eh paano kung ganito ang mga anak mo na nagsasapakan? Hay nako..


"Teacher, ayun po sila oh? "

Hindi pa ako ganung nakakalapit nakikita ko na ang namumulang mukha ng estudyante kong si Bunot.

"Anak, bunot ano nangyari?"

"Teacher, si.. si kulot po kasi.. nagsasabi lang ako ng totoo,  sinuntok po ako .."

Ramdam kong nasaktan si bunot, kasi namumula ung banda ng pisngi nya na sinuntok ni kulot. Itong si bunot napaka lambing nito, noon palang estudyante ko na sila ni kulot alam kong sila lang ni bunot ang magkasundo kahit papaano kasi si bunot magaling makisama, masipag mag aral, Nasa top, malambing at pala kaibigan sa lahat ng estudyante ko ito pinaka komedyante dahil kaya nyang patawanin ang mga taong nakapaligid sakanya ng walang kahit isang naooffend sa jokes nya..

Itong si kulot naman matalino, hindi naaalis sa top at honor rolls, palaging tahimik pero pagdating sa recitation madalas mong maririnig ang mahinhin nyang boses, kahit bata palang sila, alam ko ng lalaking suplada tong si kulot pero kahit namimili sya ng kausap maraming gusto syang maging kaibigan hindi lang dahil para may kopyahan pagdating ng exams, simple kasi ang pagiging maganda nitong si kulot since half spanish sya, maputi at may mahahabang pilik mata at napakagandang mga mata.

Oo, babae si kulot.

Oo, Babae ang sumuntok at nagpaiyak sa lalaking si bunot.

"Anak, kulot? Anong nangyari? May nagawa ba si bunot at sinuntok mo sya?"

Malambing na pagsuyo ko kay kulot para malaman kung ano nga ba ang naging dahilan.

"Si.. bunot po kasi may sinabi saakin"

"Ano ba yun anak, wag ka mahiya kay teacher"

Nakayukong pagpapaliwanag ni kulot sa nqngyari

"Si .. bunot po, kasi .. sabi nya po... kasi.. teacher. .

Crush nya daw po ako"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Simple MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon