One Shot Story

1 0 0
                                    

Kalat na sa kwarto ang liwanag mula ng magising ako, nakalimutan ko'ng may lakad nga pala kami ng mga kaibigan ko ngayon. Balak namin akyatin at tuklasin ang ganda ng Sagada. Mag-iisip pa sana ako ng mga magandang gawin at activities sa trip namin ngayon kaso naputol ng tumawag si Francis. Hindi nanaman 'to makatiis ng hindi ako nababati sa umaga, napangiti ako.

"Goodmorning Che! Gusto ko sana na hayaan ka'ng matulog ng mahaba para maganda ang gising mo kaso alas otso na ng umaga at alas siyete ang usapan natin nila Jonah. Nandito na kami kanina pa at gigil na sila sayo!" humahalaklak na sabi niya.

Napalingon naman ako sa alarm clock para kumpirmahin ang oras at oo nga! Late na 'ko! Nagmadali na ako sa pagligo at pag-aayos. Buti nalang naimpake ko na ang mga gamit ko kagabi pa.

Magkasalubong na ang mga kilay nila Jonah pagdating ko, nakangisi naman si gilid si Francis. "Sorry guys! Ang ganda kasi nung movie na pinanood ko kagabi. Di agad ako nakatulog sa sobrang takot" paliwanag ko at umikot naman 360 degrees ang eyeballs ni Jonah.

Habang nasa daan kami iba iba kami ng ginagawa upang di mainip sa biyahe, katabi ko si Francis. Pinag-uusapan nila ang mga activities na gagawin namin, ang gastos at ang pagkain siyempre. Nakikinig lang ako ng music habang nakasandal sa katabi ko habang nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong meron kami pero alam ko'ng espesiyal kami sa isa't isa. Lagi siyang nandiyan para sa akin at ako din para sa kaniya. Napangiti ako habang nakahilig sa balikat niya.

Huminto ang bus upang maka-gamit ng banyo ang mga gustong gumamit at maka-kain dahil malayo layo pa ang biyahe. Nagpasya kaming bumaba at kumain sa malapit na karinderya. Nag-unahan sila sa pagpila at ako'y naupo lang dahil nagpresinta na si Francis na siya na ang bibili ng pagkain naming dalawa. Habang mag-isa ako sa upuan may matandang babaeng naka-itim ang naupo sa harapan ko. Nilapag niya ang panyo niyang itim sa lamesa at agad ibinuklat ito. Baraha. Baraha ang laman ng panyo. Alam ko na agad ang pakay niya. Gusto niya ako'ng hulaan.

"Pasensiya na po Lola, pero wala ako'ng pera pambayad sa inyo."

"Libre ito iha huwag ka'ng mag-alala" at ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko ata makakalimutan. Bulok na ang mga ngipin niya at nangingitim pa. Wala na ako'ng nagawa ng hawakan niya na ang kamay ko. Nanindig ang balahibo ko ng nanlaki ang mata niya habang nakatitig sa palad ko. Binalasa niya ang baraha at tila kinakausap niya ito. Pumili siya ng tatlo, isang rosas, isang kutsilyo at isang bangin.

"Lola? Ano ho ang nakikita niyo?"

"May iniibig kaba iha?"

"Bakit niyo ho naitanong?"

"Nakikita ko'ng masaya ang buhay pag-ibig mo ngunit napupuno iyon ng bakit. Maraming katanungan na hindi mabigyang kasagutan."

Nagulat ako ng maisip ko ang relasyon namin ni Francis, mukhang tama nga ang hula niya. "Tama ho, ano pang nakikita niyo? Ano'ng ibig sabihin nito?" sabay turo sa dalawang barahang natitira.

"Kamatayan."

"Ho?!! nako Lola wag kayong nagbibiro ng ganyan."

"Kamatayan iha. Kamatayan ang naghihintay sayo. Hindi mo ito matatakasan dahil pilit ka nitong sinusundan. Walang nakakatakas sa kaniya. Mamamatay ka sa saksak at pagkahulog. Dapat ka'ng maging handa." at humalakhak siya ng malakas. Nakakakilabot, nanigas ang paa ko at hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Bago pa ako magprotesta may isang kamay na ang humila sa braso ko at itinayo ako. Nakita ko ang galit na mukha ni Francis, itinago niya ako sa likod niya na parang pinoprotektahan ako.

"Mawalang galang lang ho, pero makaka-alis na kayo. Hindi namin kailangan magpahula. Salamat nalang ho." umigting ang panga niya habang nagsasalita. Siguro narinig niya rin ang hula sakin ng matanda.

HULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon