One hour and 34 minutes

16 4 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.


Plagiarism is not a crime per se but in academia and industry it is a serious ethical offense and cases of plagiarism can constitute copyright infringement. (c) Wikipedia

*****

"Haaaaaaaaa."mahabang hikab ko at marahan kong kinusot kusot ang aking mga matang inaantok.

Umayos ako ng upo habang ang aking kanang kamay ay bahagyang minamasahe ang batok kong nangalay. Ilang oras na ba kong nagtatrabaho dito ? Haaay.

Kanina pa kasi ko nakatutok sa aking ginagawa at idagdag mo pa ang katotohanang wala pa kong kinakain simula ng umaga na ako'y nagising. I'm a freelance lay out artist at kasalukuyang kong tinatapos ang isang project ng paborito kong regular customer.

Tinapunan ko ng tingin ang maliit na orasan na nasa aking working table. Napahikab ulit ako. 1:11 na pala ng hapon. Siesta time. Hindi naman siguro masama kung iidlip muna ko. Hindi ko na talaga kaya ang antok. Ilang araw na din akong walang matinong tulog dahil sa sunod sunod na tanggap ko ng proyekto.

Inayos ko ang mga papel na nakakalat sa lamesa at sinigurado ko munang na save ko lahat ng ginawa ko bago ko shinut down ang aking computer.

Agad kong naramdaman ang ginhawa ng mailapat ko ang aking likod sa kama. Nakapikit kong kinapa ang aking phone na madalas nakalagay sa maliit na lamesang nasa gilid ng aking higaan.

1:26pm na. Tinap ko ang clock icon sa aking phone at sinet ang alarm sa 3 o'clock ng hapon.

Alarm set for 1 hour and 34 minutes now.

Hm. That's enough time para maka gain ulit ng lakas. Ibinalik ko na ulit sa kinalalagyan nito ang phone ko at pumikit na.

Mabilis akong ginupo ng antok at dinala sa isang panaginip.

Play : Boombastic (kpop dance na sinayaw ni Park Bo Gum during Love in the Moonlight)

"Hhmm."

Nagising ako sa alarm tone ng phone ko na patuloy sa pag iingay.

Agad naman nawala ang tunog ng inoff ko ito. 3:01pm na.

Hindi pa din ako bumangon agad dahil laman ng isip ko ang napaginipan ko. Haist. Lagi na lang ganito pag gising ko parang unti-unti nagiging malabo ang detalye ng kung anu ang nangyari sa panaginip ko.

At sino naman yung lalaki sa panaginip ko ?

Nakabangon na ko at lahat pero hindi ko pa din maalala ang mukha nung lalaki. Inabala ko na lang muli ang aking sarili sa design na malapit ko ng matapos. Ito dapat ang pagtuunan ko ng atensyon sa ngayon.

Kinabukasan

"Oh bat nagmamadali ka?"bungad na tanong ni kuya na nag aalmusal na sa kusina namin.

"Late na ko ! Late na ko !"natataranta kong kinuha ang pandesal na nasa mesa at nagmano ng mabilis sa aking ina na nagtitimpla ng kape.

"Ma ! Alis na po ko. Magtetext na lang po ko ha."

1 hour and 34 minutesWhere stories live. Discover now