Chapter 5

17 0 0
                                    

Kabanata V

Motibo

Maaga akong gumising dahil makakapasok na ulit ako sa klase. Naligo ako at nagbihis sinuot ko yung damit na binili ko sa mall nung magkasama kami ni Denzel. Sa kanya ako sasabay ngayon dahil di ko siya nasamahan magenroll. Ipinaligo ko ang favorite scent ko ng Victoria's Secret. At nagayos ng mukha simpleng simple lang ang ayos ko itinali ko ang buhok ko ng isang magulong puyod. Bumaba ako para kumuha ng isang tinapay nilagyan ko ito ng chocolate spread at kinuha ang kape ko. Mahilig ako sa kape especially pagumaga. Nang makatapos ako ay nagpaalam na ko kay Mandy na mauuna na ako.
Pupungas pungas ng mata ay di na ko pinansin. Lumabas na ako upang maglakad ng muli ng makita ko si Denzel na papalabas na ng gate niya. Agad kong tinulungan siya na magbukas ng gate at saka sinabing pasabay ako.
Sasabay ako kay Denzel para maihatid ni Mang Isko si Mandy maya maya at dahil sa pangako kong napako.

"Goodmorning Denzel." Maligaya kong bati.

"Anong meron bat ang saya saya mo ata" pagtataka ni Denzel.

"Wala ewan ko feeling ko first day ko ulit!"

Umismid lang si denzel at
Sumakay na kami sa kotse niya at dumiretso ng Sagada National College. Pagkatapos magpark ni Denzel ay naglakad na kami papasok. Maaga ang class namin ngayon 7:00am to 1:00 pm. Sinalubong ako ng squad ko at kinamusta ang lagay ko.

"Okay na ko." Paulit ulit kong sagot sa kanila.

"Sino naman yang kasama mo?" Tanong ni Ate Zsai.

"Ah si Denzel nga pala. Kapitbahay ko."

"Talaga ba? Bes talaga ba? Kapitbahay lang talaga bes lol wag kame." Panunukso ni Angel.

"Gigil mo ko bes ah." Ani ko sabay lagay ng daliri sa labi.

Agad na binulyawan kami ni Hanna kayat nagbulyawan na ang lahat. Sumisipol sipol pa si Clea habang todo sa palakpak si Lorie at Trisha. Kinindatan naman ako ni Aravela dahilan ng pamumula ko.

"Hoy tumigil na nga kayo. 6:55 na 5 mins before time tara na" yaya ko sa kanila.

Pinauna ko silang maglakad para sabayan si Denzel.

"Ah Denz pasensya ka na sa mga kaibigan ko mga baliw lang talaga yang mga yan."

"HAHAHAHA DENZ?? Pero okay lang yun sarap siguro kasama ng mga tropa mo sabog eh"

"Ayaw mo ba ng Denz? Art nalang?" Ani ko.

"I prefer Art." Sagot niya.

"Okay gusto ko ako lang tatawag sayo ng Art ha" panunukso ko.

"Sure basta ako lang tatawag sayo ng Tianne."

Biglang gusto kong tanungin si Art kung ano ba kami. Pero di ko na itinanong dahil sa hiya.

"Sige Art pasok ka na sa room mo."

"Ikaw din Tianne."

Tuluyan na akong nagtungo papasok sa aking classroom. Dahil wala pa ang si Maam ay agad ako inasar ng mga kaibigan ko.

"Sabi nung isa jan kapitbahay lang" pinaringgan ako ni Trisha.

"Hahahaha nako CJ ah umayos ayos ka. Kilalanin mo muna yung tao bago ka humarot." Payo ni Ate Zsai.

"Si Angel?" Tanong ko.

"Nasa Second floor nadaanan namin kanina si Andrei magkausap pa sila eh" ani Lorie.

"15 mins ng wala si Ma'am" ani ng isa kong kaklase.

"Wala siguro si Ma'am. Tara sa Canteen" yaya ni Clea.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon