"Agh!" Nakarinig ako ng isang malakas na pagsigaw.
Sumilip ako at nagtago sa malaking pader. Nakita ko siya.
Siya— siya si Alucard. Michaele Alucard Gonzalez. Isa sa pinakasikat na lalaki dito sa buong school, dahil sa angkin niyang kagwapuhan eh tiyak maaakit ka rin....
"Aray!" Sigaw niya ulit.
"Huy! Ano nangyari sa'yo?!" Sinigaw ko na. Di ko na kaya makita siyang masaktan eh. Char!
"Mia...." Nakaupo si Alucard sa sahig tapos nakatingin sakin. Umupo din ako.
"Bakit ka nagdudugo, Alu?! Ano ginawa mo?" Tanong ko ulit. "Napano ka ba?" Pagaalalang tanong ko ulit sa kanya. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Lecheng 'to, napaka-suplado.
Pero kahit anong gawin niya, ang gwapo gwapo niyaaaa! Aghhh, gustong gusto ko talaga si Alu. Huhuhu. Kahit supladuhan pa ako ng crush ko, wala. Wala kong magawa kundi kiligin sa lahat ng gagawin niya.
"Wala." Tumayo siya sabay alis. Pero nakikita kong namimilipit yung braso niya sa sakit, may dugo eh. Siguro nagasgas or something. Hindi naman ganun ka-grabe pero still, nag-aalala pa rin ako sa kanya.
By the way, the name is Amelia Veraughnica Teixeira. Miya na lang itawag niyo sakin. This is me. Say whatever you want. Alam ko na kung ano sasabihin niyo. Pangit ako.
Matagal ko nang gusto si Alu, lagi ko siyang sinisilayan pag may time. Ako lang yung makapal ang mukha kausapin siya sa dinami rami ng nagkakagusto sakanya. Balita ko nga, single si Alu, at walang panahon sa mga ganung bagay. More on tropa siya, and inom. Ang aesthetic din niya sa buhay, kahit pagpopost niya ng pictures sobrang aesthetic niya. Aesthetic na nga sa pics, lalo na sa real life!Pero sa totoo lang, minsan napakasama din ng ugali niyan sakin. Lagi lang naman niya ako pinagtitripan, porket alam lang niyang may gusto ako sa kanya.
Pero okay lang din, atleast, nakakapagpansinan kami!
--
Ngayon ay kasama ko ang mga bestfriend ko na si Lunox and Odette. Nasa canteen kami, habang si Alucard kasama si Zion, Lancelot, Leo, at Claude. Silang lima yung pinakagwapo dito sa buong campus. By the way, graduating senior high school students na kami.
Pero si Alucard pa rin talaga yung nangingibabaw. So, si Lunox may gusto kay Claude. Pogi din naman kasi si Claude, maputi, matangos ang ilong. Almost lahat naman sila, para nga silang kambal ni Alu, pero si Alu light brown yung buhok niya. Yung kay Claude, blue black. Crush na crush ni Lunox si Claude kaso si Claude ay may girlfriend, kaya nasasaktan rin si Lunox. Pero may isa pa silang tropa na si Gusion, kaso hindi madalas sumasama. Yung si Gusion may crush kay Lunox pero ayon. Si Lunox naman talagang ang puso niya ay kay Claude lang.