—Mia (POV)
Nakakapagtaka. Nananaginip yata ako e. Bakit nagkakaganito si Alu sakin? Totoo ba na sinabi niya yon?! Ang saya saya naman ng puso ko! Grabe! Hindi ko akalaing ganito pala sa akin si Alu kahit napaka ordinaryo ko lang na babae. Waaaaaah!
Kakauwi ko lang sa amin and nagtetext na kami ni Alu.
From: Alu 😍💕
Home na po ako. ☺️
Buti na lang at nakauwi na si Alucard. Haaay! Juskooo. Ganitong text lang ni Alu sobrang rupok ko na. Oh my g! Help me. Kinikilig ako sobra. Ano po bang pinakain niyo, Lord, kay Alucard at naging ganito yung pakikitungo niya sa akin? Huhuhu! Goodbye, Alice na ba? Talaga bang kinalimutan na niya si Alice para sa akin at alam niyang may gusto ako sakanya, kaya niya ibinabalik sa akin yung pagkagusto ko sakanya? Waaaah! Kung ganoon sobrang thankful ako. Huhuhu.
To: Alu 😍💕
Mabuti naman. Hehe. May ginagawa ka? 😅
Nag-exchange texts kami. Of course, kinikilig ako super!!! Crush na crush ko lang etong si Alu tapos ngayon, magkatext na kami? He even made the first move! Waaaah sobrang happy na ng heart ko! ❤️
From: Alu 😍💕
Wala naman. Nakatulala lang ako sa kisame namin, tapos nakalapag yung cellphone ko and then pag nagtetext ka doon ko lang din ginagalaw yung cellphone ko. ☺️
Nag-exchange na kami ng texts ni Alucard, hanggang sa inabot na kami ng gabi na magka-text pa rin. Nagyaya din si Alu ng video call kaya naman nag video call na din kami di kalaunan.
Wala naman kaming napagusapan kasi sobrang naaawkward kami sa video call. As if naman hindi kami nagkikita sa campus at di kami magkasama kanina?! May reason pa ba para maawkward kami?! Juskoooo! Kinikilig na rin ako talaga, hihihi. Kita ko din yung pagkapula ng pisngi ni Alucard sa video call kaya naman ang ineexpect ko may gusto din siya sa akin. Char! Who knows na gusto naman niya talaga ako?! Hahahaha, asumera ang gaga. Bwiset. Pero nakakakilig talaga isipin yung thought na yon, oh my. Finally, Mia! May gusto na rin sayo yung matagal mo nang gusto. For almost 8 years!
--
After 1 hour, ni-drop na niya yung call kasi maliligo pa daw siya and diretso na sa bed, para makapagusap pa kami. Mabuti na lang, wala kaming assignment, kaya medyo naging free na din kami today.
Nagyaya na akong matulog kami kaya naman he said his goodnight message sa text and told me na mag-rest na din ako so we can have a lot of energy for tomorrow since it'll be a productive day again. See you tomorrow, Alu! Nakakaexcite talaga kapag lagi mong nakikita yung inspirasyon mo!
-- The next day --
—Alucard (POV)
"Now what, Leo? Ang ganda ng idea mo. Now I have to make Mia fall in love with me so I can be with Alice. If I have to choose one, I will make one girl happy, and one girl sad. So, ano? Ako tuloy ang naipit sa ideya mong yan." I angrily told Leomord. Along him and I, nandito rin si Gusion and si Zion and we're here sa cafeteria.
"Alam mo, Alu. Paraan lang yan, ha? Kung gusto mo talagang magkatuluyan kayo ni Alice, push through mo yang plan na naisip ko. I know it will work one day." ani Leo. Ah, this kind of stupid friend. Ayaw ko munang makipagusap sa kanya.
Nakita kong paparating si Lance na kasama si Odette, pati mga kaibigan niya and that includes Mia who's there with them as well.
Sinamaan ko ng tingin ang Leo. Tumatawa siya sa akin, kaya habang papalapit si Mia, she's smiling widely at me and waved at me too. "Hey, Mia."