PROLOGUE

12 0 2
                                    

"Babe, please hear this out." Panimula ni Gaelan, habang nakatayo siya sa entablado ng function hall na kanyang inireserve.

"Mahal, salamat sa walong taon.
Salamat sa pagkakataon.
Sa pagkakataong ibinigay mo upang maranasan kong mahalin ng isang tulad mo.
Salamat sa lahat.
Sa lahat ng sakripisyong iyong iginawad.
Salamat sa bawat ngiti.
Sa ngiti mong sa puso ko'y kumikiliti.
Salamat sa mga simpleng haplos.
Sa haplos mong parang upos na sa akin ay umuubos.
Salamat Mahal.
Salamat sa iyong pagdating dahil wala na akong mahihiling, ngayong ikaw ay akin ng kapiling.
Ngunit Mahal, may nais sana akong gawin.
Nais ko sanang ang pangako ko ay tuparin.
Na sa habang buhay ikaw ay mapasa-akin.
Mahal, ako sana ay may tatanungin."

Nang matapos sabihin ni Gaelan ang tula na kanyang nilikha ay lumapit siya sa kinauupuan ng kanyang nobya na kanina pa hindi mapigilan ang pag-iyak, dahil para na itong sasabog sa sobra-sobrang pagmamahal na nararamdaman. Hinawakan ito ni Gaelan sa kamay at iginaya sa taas ng entablado.

"Babe, i love you, so much." Sabay tingin sa mga mata ng kanyang nobya na ngayon ay may namumuo na ring mga luha sa mata.  "Happy 8th-year anniversary babe. Sobrang dami na nating pinag daanan. And again, I want to start another chapter of my life, with you."  pagpapatuloy ni Gaelan habang diretso pa rin ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. Matagal rin niya itong pinaghandaan kaya't hindi niya hahayaang may sisira pa ng gabing ito.  Wala pa ring salitang lumalabas sa mga bibig ni Mara. Puro luha at hikbi lamang ang mababakas sa kanyang napakagandang mukha.

Lumuhod si Gaelan sa harap ni Mara habang binabanggit ang mga salita na matagal na niyang gustong sabihin sa kanyang pinakamamahal. "Babe, same day, next year. Instead of celebrating our 9th-year anniversary, I want us to celebrate our 1st day as husband and wife. So Mara Emmanuelle Dela Fuente, ang tanong na nais kong sabihin ay kung papayag ka bang sa habang buhay ako ay makapiling kasama ng ating mga magiging supling?" Naluluha na rin si Gaelan habang sinasabi ito kay Mara. Bahagya pang napakunot ng noo nito dahil sa hindi niya agad nakuha ang nais sabihin ng nobyo. Ngunit ng lumaon ay mas lalo siyang napaiyak kaya't hinila na lamang niya ito patayo at biglang niyakap ng napakahigpit.

"Yes Gaelan. Yes, my Dyquingco. I would love to carry your last name. I would love to be yours." Ani Mara habang patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha.

Kasabay ng pagtayo at pagbati ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan ay ang bagong simula ng isa nanamang kabanata sa buhay ng dalawa..

Love Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon