Gabi na kami nakarating at sabi ko matutulog muna ako kasi puyat sa byahe. Pero sabi ni James ang KJ ko naman daw dapat mag inuman kami on the first night ng bakasyon.
Hindi naman ako nakatanggi kaya uminom na rin ako. Alas tres na ng umaga at lasing na si James at nakatulog na rin si Karen sa sofa kung saan kami umiinom.
Bigla na lang sinabi ni James na diyan na lang muna kaming apat matulog sa sala kasi mukhang tamad na siyang umakyat sa kwarto sa itaas. At nakatulog na lang bigla.
Kami na lang ni Louis ang gising at sabi ko sa itaas na lang ako matutulog kasi masikip ang sofa namin ni James. Dalawa lang naman kasi ang sofa sa sala.
Nang tumayo ako hinawakan niya ako sa kamay at sinabi na kailangan naming mag-usap pero sabi ko wala na kaming kailangan pang pag-usapan.
Bilis naman akong umakyat kasi biglang lumakas ang pantig ng puso ko. Pagdating ko sa kwarto humiga na lang ako at biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko na lang namalayan nakatulog na pala ako.
Umaga na:
11:00 na ng umaga ako nakagising at bumaba na kaagad pagtapos kong magtooth brush.
Nakita ko na tulog pa si Karen at James sa sofa, pumunta ako sa kusina upang maghanda ng breakfast at nakita ko dun si Louis na nagluluto na.
