HPCS

3 0 0
                                    

Malapit na ang sembreak. Hmmmp.
Katamad. Ano kayang magawa sa loob ng dalwang Linggo?

Tumambay? Nako di ko naman gawain 'to e at saan naman ako tatambay, problema pa yun. Tss.

Magkulong sa kwarto? Kuh feeling ko wala pang isang araw suko na ako. Boringgggg.

Magbabad sa Facebook? Tapos mga non-sense lang makikita sa newsfeed, yae na.

Mag-adik sa online games? Hmm pede din, kaso mapapagalitan lang ako pag nagkataon.

Aishhhhhhhh!

How to make sembreak a fruitful vacation?


Buzzzzt buzzzzt

One message received.

Bhe!

Bakit kaya? Sana good news 🙏

Po?

Sent!

Bhe gusto mo magpart-time? sama ka mag-aapply kami sa HPCS. 😊

Yown. Thank you Lord. I will grab the opportunity. Sama ako sa kanila nang maka-experience ng bago. Ayos!

Sige momshie sama ako 😂

Sent!

After two days nagpasa na ako ng mga requirements. Sinamahan ako ni momshie. Sya ay isa sa mga kabarkada ko. Mag-inainahan kami nyan e 😂 Nakapagpasa na pala sila nung isang Linggo so bale hired na sila. Nakapag-exam at na-orient na din sila. Ako di paaaaaaa. 😱

So yun after kong maipasa ang requirements diretso interview na din. Konting mga tanong lang naman. Tinanong ako kung sigurado daw ako sa pinasok ko. Honestly HINDI, sabit lang ako XD Di ko nga alam kung anong trabaho 'to. Lol. Pero tiwala naman ako sa kasama ko. Kasama ko ang dalwa kong tropa kaya no worries 😂

Tiningnan din height ko. Kingina. Minamaliit ata ako neto e. Dejoke mabait naman ang HR nila. Pero mukhang sabit ata ako sa height.

Neng anong height mo? -- tanong ng HR sakin

4'9 po -- tugon ko sa HR

Di pa makapaniwala ang HR, pinasandal pa ako sa dingding at tiningnan maigi. I mean tinantya yung taas ko.

Tinapat ako ng HR na ang kinukuha nga nila ay mga 5ft above. It means di ako pasok? Sorry naman di ako nainform na my height requirement. Di ko naman kasalanan na ganito lang ang height.

Pero ihihired ko na din ikaw. Sayang naman pinunta mo dito kung di ka mahahired. Tsaka kailangan din naming ang man power ngayon. Madami kasing event ngayong darating na December. Congrats! -- HR

Wow galing naman! Hired na ako, YEY! Kabilis, ni hindi na ako dumaan sa exam at kung ano ano pa para lang makapasok. Hahaha.

After nun, binigyan lang ako ng ilang tips ni Ma'am at ni Sir na isa sa mga supervisor. Kakatuwa naman, kakainspired din. Parang na-excite tuloy ako 😂😂

Isang catering services nga pala pinasukan namin. Kilala ang HPCS sa mga artista at mayayaman. So talagang mga bigatin mga guest ng lahat ng event. Sabi pa nga nung iba ay nakapagpapicture sila nung may dumating na artista. Kakatuwa naman. Parang gusto ko din. Haha.

Nung dumating na Sabado ay nagstart na kami. Kasama kami sa event sa Flower Paradise. 10pm ang call time. So 9pm pa lang ng Friday ay nagbyahe na kami papunta sa HPCS.

Pagdating dun may maikling orientation si Sir Kirby, Supervisor namin. Dahil mga first timer kami, sunod lang kami sa mga matatagal na duon.

Nag-assign na din si Sir ng mga gagawin. Maalwan lang naman ang pinagawa samin. Just a piece of cake. Nagpunas lang naman ng mga plato at baso. Haha.

After that balik muna kami sa waiting area. Maya na lang daw ulit kami tatawagin pag paalis na. Mahaba kasi ang byahe kaya maaga ang call time ni Sir. Ayaw daw kasi nun ang nalelate.







Pagdating namin sa venue. WOW! Napawow talaga kaming tatlo sa lugar. Manghang-mangha kami sa lugar. Superb! Ang ganda talaga. Ang daming iba't ibang bulaklak na nakapalibot sa lugar, different colors pa. Wow talaga.

Habang nagbababa pa ng gamit ang boys ay naglibot libot na muna kami sa lugar at nagpipicture.

Ang ganda talaga ng lugar promise. Eto yung advantage sa trabahong ito. Nakakarating ka sa iba't ibang lugar, may kasamang adventure 💜

Matapos maibaba lahat ng gamit ay nag-almusal muna kami. Then, nagsimula ng mag-ayos ng table.

Natuwa ako dun sa tiffany. Kala ko kung sino yun pala ay upuan. Haha. May bago na naman ako natutunan. I'm so proud of my self 👏👏👏

So far naging maayos naman ang first event ko. Nag-enjoy ako. I learned a lot. Natuto akong makisama pang lubos sa ibang tao. Isa yun sa important na dapat taglayin ng isang trabahador. Matuto kang magpakumbaba. Lalo na pag bago ka palang, wag kang feeling bossy agad. Matuto kang sumunod sa nakakataas. Bawal ang mareklamo. Igalang lahat ng kasama. Ilan lang yan sa mga natutunan sa first job ko.

Hindi man ito inclined sa kursong kinukuha ko, well okay lang. Masaya ako na naranasan kong maging isang HRM kahit 4'9 lang ang height ko.

Awesome experience.














"Experience is the best teacher, ever!"











2017©fummieeee

Compilation : One Shot StoriesWhere stories live. Discover now