Bakit nga ba?

6 3 0
                                    


Bakit nga ba?
Bakit nga ba minahal kita
Di ko alam kung saan nagsimula
dumating ka nalang sa buhay ko bigla
Sa mga pagbati mo sakin tuwing umaga
Na ngayon ay isa nalang ala-ala
Bakit nga ba nakilala pa kita
Kung sa puso mo'y mayron ng iba
Bakit ba di ka maalis sa isipan ko
Kahit ang sakit na 'to ay dahil sayo
kahit masaktan ng paulit ulit
pangalan mo pa rin ang sinasambit
Minahal mo ba talaga ako?
O sadyang tanga lang talaga 'to
Itong puso kong patay na patay sayo
Na kahit bitawan di ka parin iniiwan
Saan nga ba ako nagkulang?
Di ko pa rin maintindihan
Mga tanong sa aking isipan
Na di na masasagot kaylan man
Sa mga araw na kausap ka
Ibang saya ang nadarama
Kahit alam kong laro lang 'to
Minahal pa rin kita ng totoo
Kahit nasaktan ako ng dahil sayo
Andito ka parin sa puso ko
Dahil sinabi mo na "mahal" mo rin ako
Kahit iba ang ipinaparamdam mo
Laro nga lang ba 'to?
Pero bakit totoo na 'tong nararamdaman ko
Nag paalam ka ng walang dahilan
Iniwan mo ko ng biglaan...

©Kirah Kim

[170914]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken PoetryWhere stories live. Discover now