Sophie's POV
"Kung ano yung sinabi ko, yun ang mangyayari!" Binato niya yung vase sa gilid ko saka nagwalk-out"Sumunod ka nalang kung ayaw mong mapahamak" tiningnan ko nalang si tanda na para bang ipinapakita ko sa kanya na wala akong pake. Makautos sa'kin eh sunud-sunuran lang din naman siya kay donya.
Pinagpatuloy ko lang yung pagcecellphone ko habang gigil na gigil na siya. Ano ngang pake ko diba? Kahit na magpakamatay pa sila sa harapan ko, hindi ako makikinig.
Sounds good right? Tama sana mamatay nalang sila.
Dumampot ako ng bubog at kaagad na nagdugo yung kaliwang palad ko. Manhid nga siguro ako pero wala talaga akong maramdamang sakit.
Bumalik si donya na may dala-dalang uniform. Punyeta.
Academia De La Vyll
Pinipilit talaga ng gurang na'to ako doon eh letse. Bobo ba siya? Eh ngayon pasok diyan, eh kung sa ibang school pa sana ako, next week pa. Asan utak niya?!
"Sophie baby... please? Pagbigyan mo na si mommy this time." Agad na nagpantig yung tenga ko nang marinig ko yun. Duh. Never in my life na itinuring ko siya na nanay ko, na kadugo ko.
Ano ba kasing naisip nila at napagtripan nilang ampunin ako?! Bwisit.
Pumasok nalang ako kesa masaksihan ko pa yung kaplastikan nung dalawa. Hindi narin ako pumalag, kumpleto na din naman na yung mga gamit ko. Honestly, kahit saan naman talaga ako mag-aral. As if I care kung gagraduate ako o hindi.
Nakita ko na agad sa may kanto si Nathan na nakangiting kumakaway sa akin. Honestly saying, kahit papaano nakalimutan ko yung pagkabadtrip ko.
"Good morning Sophie!" Ngumiti na naman siya nang nakakainis. Trying hard din to maging cute eh.
"Hey, may problema ka ba? You know you can tell me"
"Tss problema ko kung paano ka magiging gwapo man lang, sukang suka na ko sa mukha mo eh"
Oo, masama ugali ko pero marunong ako mamili ng tao. Sad to say si Nathan lang ang taong napili ko.
"Sabi naman sa'yo eh wag moko masyadong tititigan, baka mafall ka niyan" umakto siya na parang gwapo talaga.
Sampalin ko kaya siya nang magising?
"The fuck, you really think may hindden desire ako sa'yo? Dream on! Tsaka hi di naman ata talaga tumitibok yung puso ko" napatigil nang saglit si Nathan. Tch wala nang masabi? Weak.
"Oy oy napaghahalataan! Masyadong defensive! Nagspeech pa nga HAHAHA uy kras moko yieee ligawa--" diko na siya pinatapos magsalita, tinalukuran ko nalang siya ahad. Nawala nga yung badtrip ko kanina, tapos ibabalik niya lang uli?! Wow! I just wasted my time.
"Welcome to Academia De La Vyll!" Napatakip ako sa mga tenga ko nang wala sa oras. Nak ng... Tiningnan ko yung batang babae na nakangiti sa akin, may inaabot siyang something na wala akong pake. Ang bata bata, ang tining ng boses tss.
Hindi ko na siya pinansin. Bwiset pati ba naman dito sinisigawan ako?! Die bitch die
"Ate please take this po, I made this for all the students" wtf. Paakyat na sana ako but she stopped me. Argh! Tinitigan ko siya na para bang sinasabi ko na wala naman talaga akong pake. Seriously cookies?! Kayang kaya ko bumili niyan!
Sino ba kasing nagsabi na gumawa siya tapos etong tinatanggihan ko umiiyak. Luh?
Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka inabot sa kanya in exchange of those freakin cookies. Tinapon ko yun sa may malapit na basurahan.
YOU ARE READING
Lost
Teen FictionSometimes, I feel like I'm losing everyone but I realized I'm just losing myself. WARNING: || UNEDITED = Filled with GRAMMATICAL/TYPOGRAPHICAL errors ||