Iika-ika akong naglakad pababa ng condo ng kung sino mang kampon ng demonyong lalaking yun. Di ko parin lubos na mawari na punit na ang aking hymen dahil sa isang pagkakamali lang huhubels di ko keri to.
Lakad takbo ang ginawa ko kahit parang may napupunit padin sa babang parte ko baka makita ako ng lalaking yun. At isa pa ayoko na syang makita baka chop-chopin ko pa sya nang wala sa oras gwapo pa naman.
Hoy anong gwapo ha? Nakuha na nga yung ginto mo lumalandi ka pa jan?
Shut up brain.
Narating ko na yung condo ko. Mabilisan akong naligo at kumain kase pagod na pagod ako. Yung tipong parang sobrang na drain yung energy mo ganoin.
"Sige tutulog muna ko mga 2 hrs"
~kringgggggggg~
"Hawak ko pamilya mo! Sino ka!?" Asik ko sa walanghiyang tumawag
"Gaga! Anong sinasabi mo jan?"
Ay yung bestfriend ko pala. Ano ba kelangan neto?
"Bessy naman wag muna ngayon please antok na antok pako e tsaka masakit yung vajayjay ko"
"What??? Pardon nga?"
Hala? Lagot!
"Ano masakit yung tyan ko di kase ako natunawan hehe" patay sana di nya ko mahuli
"Ah ganun ba. Teka san ka nga pala pumunta kagabi bat bigla ka nalang nawala?"
"Ah- ano umuwi ako samin may kinuha lang tas bumalik nako dito sa condo medyo sumama kase yung pakiramdam ko kagabi e" namoka self napakasinungaling mo
"Osya oo na. Wait pala beshy may good news ako sayo"
"Sana matuwa naman ako sa good news mo na yan no" matamlay kong sabi
"Hundred percent sure ako na matutuwa ka"
"Sige spill it"
"May gig mamaya yung banda nila Jake pero yung vocalist nilang si Jenny hindi daw pwede kase may bulutong daw e hindi sila makapag back out dun sa may ari ng bar kase bayad na yung 50 percent nila"
Nagliwanag yung mata ko.
"So you're saying na?"
Omg!
"Yes bessy! Tama nga yung iniisip mo" sabay kaming napasigaw, nawala yung antok at sakit ng vajayjay ko. "Kaya maghanda kana para mamaya. 8 pm daw start ng gig nyo" at sinabi nya na rin yung location at mga dapat ayusin.
Hindi parin ako lubusang makapaniwala. At last makakapag perform na ulit ako sa stage, sa madaming tao, nang walang pumipigil saken.
"Salamat bessy mahal na mahal talaga kita, tsaka wag kang mawawala ha ikaw yung manager ko pag sumikat ako" sabay kaming natawa
"Wala yun no andito lang naman ako palagi e tsaka matagal mo nang hinihintay tong chance na to e. Best luck mamaya bestfriend enjoy mo lang."
Darn. This is it. Dapat galingan ko mamaya ito na yung chance ko.
I really wanted to play guitar and sing. Natuto akong mag gitara nung grade 5 ako tapos sinabayan ko rin ng pagkanta, sabi naman ng teacher ko noon may boses namn daw ako so why not?
Tinext ko si Jake yung drummer namin kung ano anong mga kanta ang tutugtugin mamaya at wala pang isang minuto nagreply agad si mokong. Kaibigan sya ni Athena way back highschool so kaya ko din sya nakilala.
Mandy ito yung mga tutugtugin natin mamaya
1 Migraine
2 Oo
3 Only Exception
4 Two Less Lonely People
5 Huling El Bimbo
6 Two is better than oneNot bad. Alam ko naman lahat ng kantang yan at sinearch ko agad yung chords at nag gitara.
Ready nako para mamaya. This is it.
#MayNawalaMan-MayDumatingNaman
#NawalaManAngHymen-MayDumatingNamanNaBlessing

YOU ARE READING
The Runaway Bride
Romance"I'm the real life runaway bride. The difference is, I ran away before there's even a groom to run from. I crave attention and affection. Yet bolt in the other direction once I have it."