Carla's POV
Shit!. Di ko na kaya talaga. Ano ba yan bakit kasi nakipagsabayan pa gayong may klase ako!.
Hays. Kasalukuyan akong takbo lakad sa sobrang sakit na ng tiyan ko.
Bakit kasi naisipan ko pang kumain ng marami ayan! Lalabas na siya -.-
Ipinasok ko ang susi sa door knob ng CR at pinihit ito pabukas. Isinarado ko ito ulit at pumunta sa pinaka dulong cubicle at umupo sa trono.
Guess what kung ano ang gagawin ko?. Aba syempre mag m'meditate! Mag dadasal na sana matapos na itong paghihirap ko.
Ire ako ng ire hanggang sa mamula na ang aking pisngi. Grabe ang hirap palang makipag 'push and pull sa sama ng loob' nasabi ko sa aking sarili.
Pakanta kanta pa ako at nilalaro ang tubig na umaapaw mula sa drum at mahinahong inilalabas ang galit.
----
Someone's POV
"Bilisan mo ihing ihi na ako" nasabi ko sa aking kaklase. Grabe gusto ko ng umihi ng matiwasay. Ang sakit na ng pantog ko!.
"Oo eto na grabe naman yang pantog mo hindi pala strong" sabi niya sa akin. Nasa harapan na kami ng CR at ipinasok na ang susi para ma'unlock ang pinto.
"Oh yan na bilis ihi na doon" sabi niya at ako naman pumasok na sa unahang cubicle.
"May tao? Wag niyong bubuksan ang pinto dito! Hoy!" Dinig kong sigaw ng tao sa kabilang cubicle. Lumabas ako at nakita ko ang kasama ko na akmang bubuksan ang pinto.
"Sino yan ha? Nako si Nieva pala ito eh! Wag mo bubuksan! Itulak mo nga!" Itinulak naman ng kasama ko habang tawa ito ng tawa. Nako! LT dito!
"Ikaw po pala yan ma'am! Nako! Ano yang ginagawa mo? Nag m'meditate ka ano?" Natatawang sabi ng kasama ko habang nakaharang siya sa pinto ng cubicle.
"Oo! Nag lalabas ako ng sama ng loob! Mabaho ba?" siya namang tanong ng guro
"Hindi naman ma'am ayos lang hahahaha!" Tawa parin ng tawa ang kaklase ko sa guro namin. Grabe namang senaryong 'to.
"Hindi naman maamoy?" Tanong ulit sa amin ng guro na siyang lalong ikinatawa naming dalawa
"Pffftt!!--- hahahahaha! Hindi nga po ma'am! Hahahaha XD" tawang tawa naman kaming dalawa.
"Oh siya lumayas na kayo at naudlot ang pagm'meditate ko dito kita nang nagcoconcentrate dito eh!"
"Sige ma'am ingat!"
"I-lock niyo ulit ang pinto!"
Umalis na kami ng kaklase ko at bumalik na ulit ng classroom na tawa ng tawa. Epic Fail shet hahahaha!.
-----
Carla's POV
'Shemayy!! bakit kasi napaka wrong timing naman! Grabe nakakahiya tuloy sa mga bata!' Sambit ko habang pinapagalitan ko ang aking sarili!.
Nako Carla!! Sa susunod wag ka nang kakain ng marami! Hayss!.
LESSON LEARNED: "Wag Maging MATAKAW" kung ayaw abutan ng tawag ng KALIKASAN!.
--------
So kamusta ang one shot? Ayos ba? Hahahaha sorry kung boring itong storyang ito naisip ko lang kasi siya at napagtripan na i'share dito sa wattpad. Anyway! Vote! Comment! And Be a FAN! Thankyou ! 😘😘
BINABASA MO ANG
THE ADVENTURE OF MS.KALIKASAN (Completed)
Cerita PendekSi Carla na isang guro sa isang pampublikong paaralan na kasalakuyang MATH Teacher.Magaling itong mag turo kaya naman gustong gusto ito ng mga estudyante. Maganda at Mabait ito lalo na sakanyang mga estudyante. Ngunit paano kung isang araw ay may na...