Tula #1:Gera sa Marawi

719 1 2
                                    

Tingnan mo ang iyong paligid

Magmasid ng mga pangyayaring hindi kanabik-nabik

Huwag tayong maging bulag

Kumapit sa poong may kapal at manalangin

Na sana,sana atin nang makamit ang ating minimithi

At muling bumangon para sa ating bayan

Subalit itong mga turista ang dahilan

Kung bakit hindi natin makamit ang kapayapaan

Ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa

Dahil unti unti rin natin ito makakamit

Kaya't maniwala at magtiwala

Sapagkat makakamtan din natin ang kapayapaan na ating minimithi

Salamat sa ating mga bayaning nag buwis ng kanilang buhay para sa ating bayan

Talagang sila ang itinuturing na ating mga bayani

Kaya't dapat lng natin silang ipagmalaki

Sapagkat ipinaglaban nila ang ating bansa


Kung hindi dahil sa ating mga bayani

Magiging tagumpay ang kasamaan

Kalayaan para sa Marawi!!

Tayo na't ipagsigawan sa buong mundo

Kaya't tayo na't magtulungan

Para sa kapayapaan

Pag ito na'y nakamit

Ay talagang isang kayamanan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon