Story #2 - Litrato

392 3 4
                                    

"In photography, the goal is not to change your subject, but for the subject to change the photographer" - ANONYMOUS

_____________________________________________________________________________

JYRO'S CONFESSION:

"Sigurado ka 'tol ha? Okay ka lang dito?" Tanong sa akin ng kabarkada kong si Ryan. Babalik na kasi sila sa resthouse na nirentahan namin dito sa Palawan.

Sem break namin ngayon kaya napagpasyahan naming magbakasyon. Kaming apat na magkakabarkada.

"Okay lang. Mauna na kayo." Sagot ko naman habang nililinisan ko ang lens ng aking DSLR camera. 

Sa totoo lang, wala sa bakasyong ito o sa pamamasyal ang isipan ko. Sumama lang ako sa kanila for one thing... for the love of PHOTOGRAPHY.

Ako si Jyro. Magfi-fifth year college. BS Electronics and Communications Engineering ang kinuha ko pero ang puso ko nasa photography. Sa photography lang SA NGAYON.

I've never fallen in love with anything, or ANYONE, but photography (with the exception of my parents, of course), which means, never pa akong na-involve sa isang tao romantically.

What's the rush? It's not like I'm thirty. Sa ngayon, ayoko muna ng distraction. Now's the right time to savor the best things in life - me, my studies and my camera. 'Yang love na 'yan? Sakit lang sa ulo 'yan!

Sumama ako sa mga kabarkada kong sina Ryan, Leo at Arvin dito sa Palawan para maghanap ng magandang subject. Bundok.. puno.. dagat.. isda.. bato.. kahit isang pares ng tsinelas ay papatulan ko. 

Maghapon na kaming nagha-hike pero wala. Maraming magagandang tanawin dito pero sa tuwing sinusubukan ko silang kunan ng litrato ay parang may kulang.

"Sige. Hihintayin ka namin sa resthouse." nagmamadaling sabi ni Arvin sabay kuha sa kanyang hiking bag. Kanina pa yata napapagod ang mga kaibigan kong ito kaya hinayaan ko na silang maunang umalis.

At naiwan na nga akong mag-isa. Hmmm.. Ano kayang magandang subject? 

In the middle of taking random shots, may nakita ako... Isang babae. 

She's wearing a white tank top,  straw hat, camouflage shorts and brown hiking boots. Nakaupo lang siya mag-isa sa nakalatag na shawl. She seems to be enjoying the view.

PERFECT.

I mean, perfect! At last, nakahanap na rin ako ng isang magandang subject.

Pagkatapos kong pindutin ang shutter release ay agad kong tiningnan sa viewer ang nakuha kong litrato.

WOW.. This is by far the most beautiful photo I have taken. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naisipang gawing subject ang isang babae, and take note, nang hindi niya nalalaman.

"Diane! Halika na!" Sigaw ng isang babae.

"Oo. Sandali lang." Sagot naman ng babaeng kinunan ko ng litrato kanina. Agad niyang pinulot ang nakalatag na shawl at ang hiking bag na nasa tabi nito.

"Dalian mo! Gutom na kami!"

"Heto na.." Tumayo na nga si Diane at umalis

DIANE... Diane pala ang pangalan niya. At pinagmasdan ko ulit ang mukha niya sa litrato.

Isang linggo kaming nanatili sa Palawan. Pagbalik namin sa Manila ay tamang isang araw na lang bago ang pasukan. Ginamit ko ang isang araw na yun para magpahinga at mag-ipon ng lakas para sa isa na namang mahabang semester.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon