Chapter 3 (One More Chance)
Cheska's POV
Days passed.
Weeks.
Napapadalas ang good times together naming dalawa ni Bryle.
Sobrang namiss namin ang isa't-isa.
Hindi ko na sya tinanong tungkol sa dati.
Yung tungkol sa biglaang pagkawala nya.
Yung pag-iwan nya sa akin.
Ang mahalaga ngayon,
Heto. Masaya kaming dalawa.
Magkasama na ulit kami.
Halos everyday pag sunset, nagkikita kami palagi sa may kampanaryo.
Nagku-kwentuhan. Kumakanta. Nagrerelax ng magkasama.
Nakakatawa ngang isipin na minsan mga walang katuturang bagay nalang ang napag-uusapan naming dalawa pero ang saya parin namin.
Ganon talaga siguro pag importante sayo yung kasama mo.
It doesn't matter kung saan lang kayo.
It doesn't matter kung puro kakornihan na pinag-uusapan nyo.
What matter is magkasama kayong dalawa.
Masayang magkasama. 💖
Sumali sya sa Choir namin.
I told him to do so.
Kaya ayun, napilitang mag-audition ang loko. Haha.
Sobrang mahiyain non.
Pero dahil di sya makatanggi sa akin, G lang. Laban! 😂
Bryle's POV
Iba pala talaga yung feeling ng inlove ano?
Nakakapogi. Hahahaha.
Saturday ngayon.
Second week na ng pagiging choir member ko dito sa Parish namin.
Oo. CHOIR. HAHAHA.
Kahit ako, di ko maimaigine kung paano nangyari.
Basta one day, nagising nalang akong choir na ako. Lol. 😂As usual, papunta ako ngayon sa simbahan para sa weekly weekend practice.
Kinuha ko cellphone ko mula sa aking bulsa at ichinat si Cheska.
Me: Hi Bakulaw! Papunta na ko dyan. Sunduin kita. 😊
Nakarating na ko sa harap ng bahay nila pero hindi parin sya nagsi-seen kaya naman tumawag na ako.
Me: TAO POOO! Tao poo!
Walang sumasagot.
Hanggang sa lumabas yung kapitbahay nila.
YOU ARE READING
Wake me up when September ends
Teen FictionRandom midnight thoughts. Hope you enjoy!