Chapter 1 (Summer 2014)
Naaala ko pa.
Malinaw pa sa alaala.
Summer non.
Unang tingin ko palang sayo,
Tinamaan na ako.Korni no? Hahahaha.
Pwe!
Hala sya sige, tama na are! 😂
Ako nga pala si Bryle Mercado.
16 na ko. Pogi.Di, biro lang. Haha. Hindi ako katangkaran.
Msasabi kong hindi rin naman kaliitan
Sakto lang.
Fit ako. Mahilig kase ko magbasketball.
Moreno, tipikal na itsurang poging Pilipino. Hahahaha.Pasensya na. Palabiro talaga kase ko.
Ganon daw kase pag pogi. Hoho.Yung ibang description,
Balanakayojan. Lol.Huminto ang van na sinasakyan ko.
Andito na pala ko.
Napasarap ang tulog ko sa buong byahe.
Natanaw ko ang statue ni Heneral Luna mula sa bintana ng van na aking sinasakyan.
Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan nito sabay sigaw ng driver.Driver: O! Heneral Luna na po! (General Luna, Quezon Province)
Bumaba na ako mula sa nakakangalay na pag-upo.
Nag-stretch nang kaunti at saka nilanghap ang sariwang hangin ng probinsya kung saan ako lumaki."Woooo! Comeback is reaaal!" Sigaw ko.
Galing akong Manila. Lumipat kami don after kong gumraduate ng Elementary. Matagal na rin. It's been four years since the last time na nakauwi ako dito.
Naglakad na ako. Hindi naman kalayuan ang bahay ng Tita ko mula dito sa Terminal ng van. Mahal kapag nagtricycle pa e ang lapit lang naman.
"Halos wala paring pagbabago a." sabi ko sa sarili ko.
Habang nagmumuni-muni sa paglalakad, isang pamilyar na boses ang tumawag sakin.
"Kuya Bry!" sabi ng boses.
Inaninaw ko sa di kalayuan ang lalaking tumawag sakin. Hanggang sa tuluyan na syang lumapit.
Ako: Uyyy! Jeroooome! Pinsan! Kamusta naa?
Jerome: Wow Kuya! Hindi kita halos nakilala ay? Artistahin. Nakakaputi pala talaga ang tubig sa maynila ano?
Ako: Loko ka talaga! Nasan ang Tito't Tita?
Jerome: Nasa bahay Kuya. Kanina ka pa nga namin iniintay ay. Tara na. Tulungan na kita dyan sa mga dala mo. Siguro naman may pasalubong na para sakin dito ano?
Ako: Hahaha. Oo naman. Ikaw pa ba? Paboritong pinsan ata kita.
Jerome: Wala ka namang choice ay. Ako lang ang pinsan mo!
Ako: Ah! Oo nga pala. Hahaha. Tara na nga. Nagugutom na ko.Nakarating na kami sa bahay nila. Kumain ng lunch, nag-ayos ng gamit at tsaka namahinga. Dito muna ako ngayong Summer. Wala naman daw kase akong gagawin sa Manila kundi ang maglaro at tumambay kaya mas maigi pa na dito na daw muna ako. Less sa isipin ng Mommy at Daddy ko. Lol.
Naglalaro ako ng Mobile Legend habang nakahiga sa duyan sa may veranda ng lumabas ng pintuan si Jerome na nakaporma.
Ako: O insan, san lakad?
Jerome: Uy Kuya. Akala ko natutulog ka sa loob?
Ako: ahh. Lumabas ako. Mas presko kase dito. San ang punta mo?
Jerome: May practice kase kami ng Choir Kuya. Every saturday afternoon para sa Sunday Mass.
Ako: Ah, ganon ba. Pwede ba kong sumama? Nakakainip kase dito e. Bagal ng internet.
Jerome: Ha? Ano namang gagawin mo don?
Ako: Wala. Manonood lang. Tsaka baka may makita akong mga dating kakilala nung elem days. Para naman may iba akong makausap. Nakakasawa na pagmumukha mo e! Hahaha.
Jerome: Hala sige! Tara na. Bilis at baka malate pa ko. Papagalitan ako nung coach namin.
KAMU SEDANG MEMBACA
Wake me up when September ends
Fiksi RemajaRandom midnight thoughts. Hope you enjoy!