Ikatlo: Pagdududa.

2.7K 61 0
                                    

Venus's POV
•••===•••===•••===•••===•••===••

Binuka ko ang mga mata ko. At hindi ako nagsisising ginawa yun. Napakaganda ng kwarto. Mala-Victoria era ang disenyo.
Pati ang kama, napakalambot.

Wait, bat ako nandito? Sinong nagdala sakin rito? Hindi ko maalala ang mga nangyari pagkatapos ng laban ko sa apat na Bampirang mahihina.

"Gising kana pala. Di ka man lang nagsasalita."
Ano? Bat may boses akong naririnig? Nababaliw naba ako?

"Hindi. Hindi ka nababaliw. Andito ang pinakagwapong Bampira sa gilid mo."

Napalaki ako ng mata. Oo nga pala. Ang isa sa mga Syne. Kinagat ako sa kamay. Nakakabasa siya ng isip?

Tumayo ako at humarap sakanya.
"Paalisin mo ako dito kung ayaw mong mamatay!" Sigaw ko pero mukhang iba ang tinitignan niya. Sinundan ko ang titig niya at napagtantong hindi ko na suot ang jacket kong gawa sa leather.

Tinakpan ko ang sarili ko. Naka sando nalang pala ako.

"Kakarating mo palang rito, naghuhubad kana? Ganyan mo ba ako kagusto?" Sabi niya at ibinalik ang tingin sa mukha ko.

"Fiy, masahol na Bampira, hindi ako nagkakagusto sa lahi niyo. Mga impakto kayo. Ang dapat sainyo pinapatay!" Sagot ko ng may halong galit sa boses.

Lumapit siya saakin. Ayun nanaman. Yung titig niya. Nakakapanlambot.
"Anong sabi mo? Kami? Masahol? Hindi ba kayo yun? Wala ka bang kaalamalam sa pinagdaraanan ng lahi ko sa mga Hunter?!" Sigaw niya sakin.

Natakot ako. Pero hindi ko yun ipinakita.

"Ah so hindi kayo ang pumatay sa nanay kong si Mautia?! Ha?! Akala mo madali para sakin na pamunuhan ang lahi ko sa maagang edad?!"

Mas lalong dumilim ang mga mata niya. Humakbang siya papunta sakin at sinabing
"Yun ang kinaiinisan mo? Mawalan ng nanay?! Alam mo ba kung ilan sa kampo namin ang namatay dahil sa mga angkan mong Hunter na walang awa?! Pinahirapan nila ang mga kalahi ko sa loob ng 50 na taon! Hindi ko na kailangang sabihin ang buong nangyari para mapagtanto mo na mas masahol ang lahi mo!" Tinulak niya ako sa sahig.

"Noong 1561 pa iyon. Hindi na gumagamit ng ipinagbabawal na mahika ang mga Hunter at Huntress sa panahon ngayon!"
Ang tinutukoy niya ay ang Krestia. Ang panahon kung saan naghari ang mga Hunter at pinagsamantalahan at pinaslang ang mga Bampira.

"Oo, hindi na nga. Pero hindi pa kami nakakabawi sa mga ginawa niyo. Kaya kuha ko sayo, maghanda kana. Dahil ipapakita kita sa mga kasama ko mamaya. Bilang alagad ko. Ihanda mo na ang sarili mo. Hindi ko garantisadong buhay kang lalabas."  Sabi niya nang dahan dahan, na para bang tinatakot ako.

Ako? Takot?  ....Medyo.

Lumabas na siya. Isinara niya nang pagkalakas lakas ang pinto.

Tumayo ako. Ang lakas niya magtulak. Dahil siguro sa Bampira siya.

Nagsimula akong maglibot libot sa kwarto. Ang laki. Halos magkasya na tong pang sala namin.

Habang naglilibot, naalala kong sa kamay niya ako kinagat. Bakit sa kamay? Mukhang wala naman siyang intensyong patayin ako.

Kung gusto niya talagang patayin ako, Bakit hindi niya ako sa leeg kinagat?

Inihiga ko nalang ang sarili ko sa kama. Pagod ako. At kailangan ko ring ihanda ang sarili ko kung sakaling kakailanganin kong makipaglaban.

••••====••••====••••====••••==

Inayos ko ang suot ko at naglagay ng mga tagong armas.

A Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon