It's Monday :D
I woke up earlier because I have to attend my class.
.
.
While I'm walking in the hallway of our school. I'm thinking my verybest if what happening to her and what she is doing.
I'm sure subrang lungkot nun ngayon. Eh sino ba namang tao ang hindi malulungkot sa pag-iwan ng taong mahal mo??? diba wala naman. Pero tama lang naman na iwanan niya yung lalaking yun kasi para rin yun sa ikakabuti niya at dapat hindi nagsasalita ang mga lalaki ng mga ganun kung may respeto sila sa babae. Habang iniisip ko ang verybest ko may biglang nakabangga sakin.
"Aray!" sabi ko kasabay nang paglaglag ng mga librong hawak hawak ko.
kasi naman eh! alam naman na hindi ito takbuhan. Yan tuloy nabangga ako. sabi ko sa isip ko nang biglang magsalita ang nakabangga sakin at ako ay napalingon.
Okay ka lang ba Yvette??" sabi niya at iniabot niya ang kanyang kamay para tulungan ako makatayo.
Tumango lang ako at inabot ko ang kanyang kamay. SHIT!! Si Michael ang nakabangga sakin at iniabot niya pa ang kanyang kamay para lamang makatayo ako. Parang hihinto ang lahat dahil aakalain mong lahat ng bagay ay naging mabagal. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko dahil nakita ko na naman siya ng malapitan na para bang may isang anghel na bumaba galing langit dahil sa kanyang maaliwalas na mukha at mapuputing ngipin na aakalain mong brilyanteng nagniningning.
"Yvette okay ka lang ba?" sabi niya habang ikinakaway niya ang kanyang kamay sa mukha ko.
"Ah!o-oo ok lang ako!" sabi ko at napayuko ako dahil sa hiya.
"Sorry nga pala, ito na pala mgalibro mo." sabi niya habang nakangiti at iniabot niya ang mga libro ko.
"Ah... S-sige, salamat ah." sabi ko na parang ewan ba.
"Ah sige, mauna na ko baka kasi malate ako sa first class ko" sabi niya sabay ngiti with matching Bye Bye gamit ang kanyang kamay.
Hayyyyyyyyyyy.... Grabe! hindi ako makapaniwala na ang taong makakabangga sakin ay ang taong crush ko. Subrang gwapo niya talaga pero ang awkward lang kanina nung ikinakaway niya yung kamay niya sakin. Parang nastroke na ko dahi sa kanya. Habang naglalakad siya palayo ako naman ay nandito parin at nakatingin sa kanya at iniisip ang mga nangyari habang yakap yakap ko ang mga libro nang bigla akong nagulat dahil sa ring.
"Ay putek!" sabi ko
Hala! Anung oras na pala. Kailangan ko nang magmadali para makapunta sa room. Inaayos ko muna yung uniform ko at buhok sabay tingin sa relo at tumakbo na ko para makapunta sa room namin.
.
.
.
First subject namin ay Chemistry. Parang gusto kong lumabas nang room at mag aliw aliw kasi parang wala namang kwenta tung itinuturo at wala ring pumapasok sa utak ko kaya naisipan ko nalang isipin yung nangyari kanina.
Sana mangyari ulit yun. sabi ko sa sarili ko habang iniisip ko yung nangyari kanina, hindi ko mapigilan mapangiti. Ang kanyang mala anghel na mukha, mga matang nakakapang akit at ang mga pantay niyang ngipin. LORD, sana mangyari ulit yung nangyari kanina kahit po masaktan ako. Ok lang basta makita ko lang siya ng malapitan. dasal ko sa isip ko. Pero?? parang kilala niya ata ako. Tinawag niya pa ang pangalan ko ng ilang beses nang biglang isigaw ng malakas ang pangalan ko ng teacher namin at nagulat ako sabay napatayo ako.
"Yes S-Sir" sabi ko habang ang lahat ay nakatingin sakin.
"Are you listening Ms. Cristine Yvette Evangelista or you are thinking for someone??" sabi ni Sir
"Of course Sir, I'm listening" sabi ko
"Ok! you may take your sit. So Let us move on to our next lesson." sabi ni Sir at humarap na sa blackboard.
Muntikan na ako dun ah. Buti nalang wala saking itinanung about sa lessobb kundi baka matameme ako sa tanung niya.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
Любовные романыSacrifice is a part of life. It's supposed to be. It's not something to regret. It's something to aspire to.