Naulit yung pagtwitweet namin sa isa't isa at doon ako nakakakuha ng pagkakataon na tanungin siya ng walang nakakakita kundi kaming dalawa lang. Bawat pagtwitweet namin ay nalalaman ko ang bawat detalye ng buhay niya like kung anu ba ang mga favorite niya at kung anu ba yung mga kinakaayawan niya.
.
.
.
Naglalakad kaming dalawa ni Nicole habang nag-uusap ng kung anu-anu at may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Yvette!" tawag niya
napalingon kaming dalawa ni Nicole sa likuran at nung nakita namin kung sino yung tumawag sakin ay agad kaming nagkatinginan ni Nicole at nagngitian pero yung kay Nicole eh ngiting parang may gagawing kakaiba kaya hinampas ko siya sa braso.
"Yvette, pwede bang makisabay sa inyo?" sabi niya habang tumatawa ng nakatakip ng bibig si Nicole kata tiningnan ko siya ng masama at lumingon kay Michael.
"Oh sure!" sabi ko nang nakangiti
Yung feeling na sasabog yung puso ko at hihinto na lang bigla dahil sa bilis ng tibok tapos si Nicole walang ginawa kundi ang ngumitina tumatawa abot hanggang tenga na lahat ng ngipin eh kita.
Ang awkward kasi wala man lang samin nagsasalita . Sa subrang hiya ko eh nakayuko lang ako maglakad nang biglang magtatanung na sana ako at nagkataon pang nagkasabay kaming dalawa.
"Sige ikaw na maunang magtanung!" sabi niya nang nakangiti sabay siko ko kay Nicole dahil sa tawa niyang hindi naman malakas na para bang kinikilig na tawa.
"H-hindi ikaw na mauna." sabi ko na hindi ko mailarawan yung mukha ko dahil sa hiya nang biglang magsalita si Nicole.
"Nahiya pa ang bruha!" sabi ni Nicole sabay tawa ng mahina.
"Manahimik ka nga jan" sabi ko nang nakasubangot.
Biglang tumawa naman ng mahina si Michael at agad akong napayuko.
"By the way, Yvette sabay tayo mamaya magbreak, sama mo narin si Nicole kung ok lang sayo." sabi niya sabay alis na.
Hindi ko akalain na nasa harapa na pala kami ng school at hindi ko man lang siya natanung kung bakit niya nakilala nung time na nabangga niya ako. Eh paano kasi yun yung parati kong nakakalimutan kong itanung sa kanya everytime na nagtwitweet kami at hindi man lang ako nakapagpaalam.
"Ang ganda ganda mo talaga jan" sabi ni Nicole nang nakatawa.
"Of course! maganda talaga ako" sabi sabay afir naming dalawa at naglakad na kami papunta sa room namin.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang isipin na magbebreak kaming dalawa at niyaya niya pa ko at mas lalo pa akong hindi pa makapaniwala dahil nakisabay siya sa pagpasok.
.
.
Break na namin pero parang may iba sa labas ng room namin dahil sa maraming babae ang nagtitilian at nagkukumpulan kaya nilabas naming dalawa ni Nicole at hindi kami makapaniwala kasi ang ang mga tinitilian ng mga babae eh si Michael na alam ko naman na kami ang hinihintay niya. Naglakad kami palapit kay Michael at sa isip isip ko na Sorry nalang kayo mga girls kasi ako ang hinihintay ni Michael.
Nakalimutan ko palang sabihin na si Michael pala ay MVP sa basketball dito sa Wilson Academy kaya ganun nalang siya tilian ng mga babae.
pinuntahan namin ni Nicole si Michael at sabay kaming bumaba at pumunta sa cafeteria para kumain.
Pagpunta namin dun ay umupo na kami sa bakanteng lamesa at nagorder ng makakain.
Habang kumakain kami ay nagsalita bigla si Michael.
"Salamat nga pala kasi tinupad niyo yung pagyaya ko sa inyo." sabi niya habang binubuksan yung cheese cake.
"Ah, walang anuman, maganda nga yun kasi para maiba naman kasi palagi nalang kaming dalawa ang kumakain tuwing break." sabi ni Nicole nang walang hiya hiya. Tumawa si Michael at kumagat sa kinakain niya.
Anu ba yan. pati ba naman sa pagsubo ng pagkain niya eh subrang gwapo niya parin.
"Don't worry, next time isasama ko yung mga friends ko para makilala niyo naman sila" sabi ni Michael ng nakangiti.
Habang kumakain kami may mga babaeng nakatingin sa kinaroroonan namin. Mga nakamake-up at kung makatingin eh parang mangangain pa ng tao kaya hindi ko nalang pinansin.
BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceSacrifice is a part of life. It's supposed to be. It's not something to regret. It's something to aspire to.