Paghanga Sa Isang Iglap

15 0 0
                                    

Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon nakita kita. Nahumaling sa taglay mong kagwapuhan.

Pero wag kang mag alala.

Isa lamang itong paghanga na walang halong pag-asa.

Alam ko isa lamang ito sa mga tagpo sa buhay ko.

Bukas ay lilipas lang din tulad ng isang bulalakaw na napadaan lang

Napansin lang ng puso kong nakatulala sa kawalan.

Wala pang segundo nakita ko ang mga mata mo.

Nagkatitigan tayo. Patay tayo. Nagkagulo na ang sistema ko.

Nabigla. Natulala. Nagtatanong. Totoo ba to?

Siya na ba? Ba't ganito ang nararamdaman?

Iba ka. Iba ang impluwensya mo sa katinuan ko.

Ngayon ay lumalakad ka.

Tinatahak ang daan kung saan nasan ako.

Nakatingin ka pa rin.

Magkatitigan pa rin tayo na para bang kilalang kilala natin ang isa't isa matagal na.

Marahil hindi alam ng utak natin pero baka nga oo.

Ang puso ko rumaragasa sa emosyon.

Nananabik sa presensya mo. Sino ka ba talaga?

Dumating ang segundo, dinaanan mo ko pero heto pa rin ako.

Blanko sa kalsadang pinanggalingan mo.

Singhap na singhap ko ang amoy mo na tila hinihila ako papalapit sayo.

Nalagpasan mo na ko lahat lahat bago maibalik ang diwa sa sarili ko.

Napalingon ako. Mabilis. Sinambit, "Hanggang sa muling pagkikita."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MalayaWhere stories live. Discover now