(Wednesday)
Heto na naman ako, nakatingin sa kawalan...nag-iisip...nagtataka...naghahanap ng mga kasagutan sa mga katangungang matagal ng bumabalot sa buo kong pagkatao. Gusto ko lang naman ay malaman ang sagot...ang sagot kung bakit hanggang ngayon ay single pa-
“Bhe!” sigaw ni Park. “Buksan mo ‘tong pinto!”
“Sandali! Eto na! Eto na!” sabi ko at dali-daling pumunta sa pinto. Hay. Nandito na naman si Park. May kailangan ‘to, for sure.
“Uy, bhe! Hindi kita nakita kanina ah! Saan ka ba nanggaling?” ani Park.
Wait...baka nagtataka na kayo kung sino ‘tong si Park at tinatawag-tawag pa akong ‘bhe’. Siya Park Villanueva, a.k.a. Jowa Ko Kuno. At yung ‘bhe’ na tinatawag niya? Ako ‘yun, si Eleanor Lanoa. Pareho kaming nag-aaral sa isang unibersidad dito sa Quezon at naninirahan sa dorm, pero this time magkaiba. Magkaiba rin kami ng course: computer engineering siya, at ako naman ay electronics and communcation engineering.
ETO MATINDI: Jowa ko siya pero single ako. Oh diba? Saan ka ba naman nakahanap ng relasyon kung saan single ka pa rin pero may jowa ka? Aba, dito ka na! Pero seryoso ‘yun, kami na hindi kami. Paano? Ganito:
MAGIGING JOWA KO SIYA KAPALIT NG SERBISYONG IHAHANDOG KO SA KANYA
(Pero hindi malaswang serbisyo ‘no!)
Habang ako ang taga-gawa ng mga homeworks niya at projects, siya naman ang mag-aala bodyguard, tagahatid/tagasundo, taga-libre ng pagkain ko, taga-sama sa mga lakad ko at ipinapakilala kong boyfie sa mga friends ko.
Kaya ayon. Kami na hindi kami. Para lang may matawag akong ‘boyfie’.
Pero mahirap pala ‘yung ganito...yung tipong hanggang pamemeke lang ng relasyon ang aabutin ko...hangga’t kaya ko siyang pagsilbihan.
“Huy! Tinatanong kita kung nasaan ka kanina?” ulit ni Park.
“Ha? Ah. Galing akong engLib kanina. Nagresearch ako para sa special assignment mo,” sabi ko.
“Wow naman, bhe! Ikaw na talaga ang the best bhebhe na nakilala ko!” sabi niya sabay yapos.
“Oo nga, ako na talaga ang the best alila mo...” bulong ko sa sarili ko.
“Ha? May sinasabi ka?” tanong niya.
“Ha? Wala bhe! Sabi ko the best talaga akong bhebhe mo! Teka, ba’t ka ba nandito?” tanong ko naman.
“Wala lang. Masama ka bang makita, bhe?” sagot naman niya. Sakto namang tumayo ako at nagpunta sa cabinet ko.
“Ah. Ang alam ko kasi nagpupunta ka lang dito kapag may kailangan ka,” bulong ko ulit sa sarili ko.
“Ha? Ano ulit, bhe? May sinasabi ka?” tanong niya ulit sa akin.
Ako namang abnoy sinagot siya at sinabing, “Ha? Bingi ka talaga. Sabi ko kako kung may kailangan ka.”
“Ah...kase...bhe...” tama nga ang hula ko.
“Ano ba ‘yun, bhe?”
“May project kasi kami sa Math 17. Eh, bhe, kailangan ko ng tulong mo,” sabi naman niya.
“Sige, ilista mo lang kung anong dapat na bilhin at gamitin. Ako na ang bahala,” sabi ko naman.