Umuulan na naman, napakalamig na naman ng panahon parang ang pakiramdam ko.Napangiti na lang ako sa naalala ko.
Nagsimula kami sa tag-ulan mukhang matatapos din sa tag-ulan.---
Umuulan na naman.
Binuksan ko ang payong ko at maglalakad na palabas ng shed at papunta sa gate nang may biglang tumawag sa akin, napalingon ako at nakita ko ang isang matangkad, gwapo, maputi, may matangos na ilong, mapupungay ang mga mata na lalaki, naalala ko siya pala iyong crush ko.
"Raine, pwedeng makisukob? kahit hanggang sa may gate lang", sabi ni Sage, oo kilala namin ang isa't isa sa kadahilanang magkablock kami.
"Ah. Sige", papahard to get pa ba ako? Syempre hindi na. Kinuha niya sa akin ang payong ko at siya na ang naghawak.
Habang naglalakad kami hindi ako mapakali, syempre siya na nga may hawak ng payong ko nakaakbay pa siya sa akin.
" Ang lamig ng panahon, bakit pinagpapawisan ka?", biglang tanong niya kaya naman napalingon ako sa kaniya pero sana hindi na lang ako lumingon dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Namumula rin iyang pisngi mo", dagdag niya sabay pisil sa pisngi ko kaya napalayo ako sa kaniya't nabasa ng ulan kaya agad niya akong hinila palapit sa kaniya.
"Basang-basa ka na Raine", at pinagpatuloy namin ang paglalakad.
Nakarating kami agad sa may gate at napansin kong medyo basa ako, buti na lang at may silungan dito. Binaba niya ang payong ko sa tabi at kinuha niya ang panyo niya sa bulsa akala ko ipangpupunas niya sa kaniya pero nagulat ako nang ipunas niya sa akin iyon. Napatitig na lang ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.
"Baka magkasakit ka", saad niya at ngumiti.
Naghintay pa kami ng ilang mga minuto nang biglang may humintong sasakyan sa tapat namin.
"Andiyan na sundo ko, alis na ako salamat. Next time ulit", ngumiti siya at agad na tumakbo papunta sa kotse nila.
Makalipas ang ilang minuto dumating na rin ang sundo ko.
Nang makauwi ako, may nakita akong mensahe sa aking phone at binuksan ko ito. Namula agad ang aking pisngi nang makita ko kung kanino galing iyon.
From: Sage
Hi. Nakauwi ka na? Salamat pala.Simpleng mensahe pa lang kinikilig na ako.
Lumipas ang mga araw lagi kaming nagkakasabay umuwi, kapag umuulan lagi siyang nakikisukob sa akin naging malapit na rin kami sa isa't-isa hanggang sa nauwi sa malalim na samahan.
"Raine", banggit niya sa pangalan ko. Magkasama kami ngayon sa canteen dahil may vacant kami ng 3 oras.
"Hmm?", sagot ko habang kumakain.
"Pwedeng manligaw?", tanong niya at agad naman akong napaubo dahil sa sinabi niya.
"Shit", inabot niya sa akin iyong tubig ko habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo.
"Sage naman! Huwag kang manggugulat! Alam mong kumakain ako", sabi ko sa kaniya at napatawa naman siya.
"Ang cute mo talaga. Pero seryoso, pwede?",
Nag-isip muna ako at sumagot ng
"Hindi",
"Wala ka paring magagawa, liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo",
Lagi akong nakakatanggap ng mga bulaklak at mga sulat sa kaniya. Tumagal ang panliligaw niya hanggang sa tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend sinagot ko siya hanggang sa tumagal at tumatag ang relasyon namin
Ngunit mukhang sa panahon din ng tag-ulan matatapos ang lahat. Sinaktan ko siya, nakipaghiwalay ako sa kaniya habang nababasa kami pareho ng ulan.
"Ayaw ko na! Pagod na ako Sage!", sigaw ko sa kaniya habang nababasa kami ng ulan.
"Bakit ano bang mali ko? May kulang ba?",
"P-please ayaw k-ko na", saad ko habang umiiyak.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at nagmakaawa.
"P-please babe, h-huwag naman. H-huwag ganito", humihikbi niyang sabi.
Sa kadahilanang hindi ko siya kayang makita siyang umiiyak tinalikuran ko siya at iniwan.
Masakit, oo napakasakit. Kasi mahal na mahal ko siya pero hindi na talaga pwede.
--
Napakasakit balikan ang mga alaalang iyon, minahal ko siya ng sobra pero ako rin ang nanakit sa kaniya.
Tinatanaw ko ang pagbuhos ng ulan habang nakahiga sa aking kama nang biglang may pumasok hindi ko na ito pinansin dahil alam kong si mama rin lang iyon kasama na siguro niya iyong doktor na mangoopera sa akin.
"B-bakit?", nanlamig agad ako nang marining ko ang boses niya napalingon ako agad at nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko.
"S-sage", tumulo ang mga luha ko.
"B-bakit hindi mo sinabi sa akin?",
"S-sage", doon na bumuhos ng tuluyan ang mga luhang naipon sa mga mata ko.
"B-bakit hindi mo sinabi sa akin! Bakit ganito na ang sitwasyon mo!",
"Ayaw kong maging pabigat", halos bulong nalang iyon.
"Ni minsan hindi ka naging pabigat sa akin.", sabi niya habang lumalapit sa akin at niyakap ako.
"S-sorry", bulong ko habang humihikbi. "Patawarin mo ako S-sage".
"Shh. Huwag ka ng umiyak",
"S-sorry",
"Shh. Tahan na. Hayaan mong ako ang maging lakas mo, mahal na mahal kita. Please lang bumalik ka na sa akin".
"H-hindi na pwede", sagot ko
Napalayo siya sa akin at nakita ko sa kaniyang mga mata ang mga katanungan gumugulo sa kaniya.
"B-bakit?",
"P-patawarin m-mo ako",
"A-anong ibig m-mong sabihin",
"W-walang kasiguraduhan a-ang gagawin ko Sage",
"Please, kaya mo yan. Lalaban ka". Niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa pumasok ang mama ko kasama ang isang doktor, mababakas sa mukha ng aking ina ang kalungkutan at sakit.
"Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita Sage", at tuluyan na akong inalalayan ng mga nurse papuntang Operating Room.
"Don't do this to me", mga huling katagang narinig ko mula sa kaniya.
Habang nakahiga ako sa kama kung saan nila ooperahan ang puso ko dahil ito'y sobrang hina na, kailangan na ng transplant ngunit itong sitwasyon ko ngayon ay walang kasiguraduhan.
Nakahiga ako at ramdam ko kung anong ginagawa nila sa katawan ko, nararamdaman kong unti-unting nanghihina ang katawan ko.
Hindi ko na kaya.
Napangiti na lang ako. Nagsimula sa tag-ulan ang istorya ng buhay naming dalawa ni Sage mukha atang magtatapos din sa tag-ulan.
Tuluyan ng nagdilim ang aking paningin at nanghina na ako ng tuluyan.
Patawarin mo ako Sage. Mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Ulan
Teen FictionTag-ulan, panahong kung kailan mababasa ka, panahon kung kailan lalamigin ka at panahong hinihintay mong sana matapos na. Ito ay isang istoryang nagsimula sa tag-ulan. --- © xreekkax 2017