Chapter 7

14 0 0
                                    


"Uhmm may I know kung bakit nandito ka? Sa tapat ng bahay namin?" tanong ko sa kanyang habang may ginagawa siya sa kanyang phone.

"Oh you dont know me?" She finally said after finishing whatever she was doing on her phone.

"Im sorry pero walang pumapasok sa utak ko kung sino ka" she rolled her eyes and giggled a little.

"If you must know, ako ang nag iisang anak ni Mr. Heirquezza" she said and I finally understood who she was.

"Anak ka ng boss na pinagtatarabahuan ni mom?" I asked slightly shocked. Di ko inaasahan na mapapadpad ang katulad niya rito.

"That's right sweetie" she said and once again did something with her phone.

"So may kailangan ka ba?"

"Di mo ba ako papapasukin sa loob ng bahay niyo?"she said and rolled her eyes. Feeling ko matatanggal na ata ang mata niya kung patuloy niya yung gawin.

"Im sorry, sige pasok ka" sabi ko but before I finished my sentence, nauna pa siyang pumasok sa akin at dire-diretsong umupo.

"May gusto ka bang inumin?" Tanong ko na parang napipilitan.

"No thank you, hindi niyo naman din maibigay ang gusto kong inumin" She said while looking around the house. I was feeling anoyed in her tone of voice. Feeling ko na hindi kami magkakasundo.

"So ano nga ba ang sadya mo rito?" I finally asked.

"Okay fine. Do you know who Rage Cortez is?" Tanong niya. Tinaas ko naman ang kaliwa kong kilay na agad niya namang naintindihan.

"Oh, you dont know him?" She said and a smirk formed her lips.

"Obviously..."

"Siya lang naman ang anak ng dating principal na pinaalis mo sa school" sabi niya na may halong galit sa tono ng kaniyang pagsasalita.

"Im sorry pero hindi ako ang nagpaalis sa kanya"

Hindi siya nagsalita. Sa halip, tiningnan niya lang ako ng masama. Sa pagtingin niya sa akin ay kinilabutan ako, I can see in her stare that she wanted war, that she wanted to kill me. I watched her and waited for what she would do next. She picked up her bag and stood up.

"I should really go now" she said.

"S-sige, ingat k--" di ko natapos ang sinabi ko dahil dire-diretso siyang lumabas ng bahay.

Ang bastos ng babae na ito. She suddenly barged in and now bigla bigla nalang aalis. Ano bang meron na parang galit na galit siya sa akin? And why did she ask if I knew who Rage is? Sa tingin ko ay may mangyayaring masama sa school bukas.

•••

Life is so stressful. Kasalaukuyan akong tumatakbo papunta sa school. Late ako gumising kaya heto ako, nagdurusa sa init ng araw at sa usok ng mga sasakyan. Bakit ba kasi ganito ang mga tao ngayon? Parang wala na silang pakialam kay mother earth.

"Kuya! Wait! Papasukin mo ako!" Sigaw ko kay manong guard na isasarado na sana ang gate ng Hue.

"Miss pasensya na, alam naman natin lahat na kapag 8:00 ay isasarado na ang gate ng school" Hayss, ganito talaga sa Hue. Kapag 8:00, isasarado ang gate at hindi pinapapasok ang mga late. First time kong maranasan ito and I must say, ayoko na ulit ito maranasan kaya aaga na ako ng pasok.

"Sige na kuya, please kahit ngayon lang, di mo pa naman nasasarado ang gate oh" sabi ko sabay turo sa gate na nakatiwangwang.

"Pasensya na talaga miss.."

Bigla namang may bumusina na sasakyan at halatang gustong pumasok. Tiningnan ko naman si Manong guard na natigil sa kanyang kinatatayuan. Bumaba naman ang bintana ng sasakyan at nagulat ako ng makita ko si Mikylla sa loob. Nakangiti siya sa akin, pero halatang iniinis niya ako. Tumingin ulit ako kay Manong guard na ngayon ay dali-daling binuksan ang gate. Pumasok naman ang sasakyan ni Mikylla, kaya pasimple akong pumasok na rin sa loob.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the Wind BlowsWhere stories live. Discover now