Chapter 4 *pain

42 4 0
                                    

Four

 

*RINGGGG

            Pinatay ko ang alarm clock at bumangon na. 4:30 pa lang at kailangan ko na agad bumangon dahil ang dami ko pang gagawin ngayon.

            Pumunta na ko sa cr at naligo, pagkatapos papunta na ko ng kitchen ng may maamoy akong masarap na pagkain.

            Pagkapasok ko, may babae.

            At dun ko lang naalala, may kasama na nga pala ako sa bahay ko! Tsk. Naalala ko na naman yung kagabi. Hinanap ko pa siya sa labas ng building kagabi tas hindi ko makita, nakakainis! Kung san san ako napadpad. Hindi talaga nawala yung kaba sa dibdib ko nun. Tapos pagbalik niya, ang saya saya niya pa? Hays. Pwede naman kasi siyang magpaalam eh. Atsaka hindi ko alam ang gagawin ko o ang sasabihin ko kay Tito pag nagkataong nawala na yung babaeng yun.

            At yung nangyari naman na sagutan kagabi, hindi ko naman talaga siya gustong sigawan ng sobra at sabihin yung mga masasakit na salitang yun. Nadala na rin siguro yun gawa ng pagod na pagod na ko tas nawala na lang siya ng parang bula kaya nadagdagan ang problema ko.

            Kaya ayun, pati pagkain tinapon ko na para manahimik na siya. I know, nadisappoint ko na naman siya.

            Wait? Nadisappoint? Kalian pa ko nagging concern sa babaeng yan? Kakakilala nga lang namin! Hays.

"Uy, Ishi! Gising ka na pala!" Masaya niyang bati sakin. Parang walang nangyari kagabi ah? Atsaka bat ang aga niyang gumising? Artista din?

Lumapit na lang ako sa lamesa at umupo. "Kain ka ng marami ah! Hindi ka kasi kumain kagabi eh." Masaya niya uleng sabi.

"Bat ang aga mo?"

"Ah, Eh kasi nasanay ako sa ganitong oras, sinanay kasi kaming ganito. Para madaming magawa sa loob ng isang araw" nakangiti niyang sabi sakin.

            San ba to nagttrabaho? Anu bang trabaho nito? San din ba to nakilala ni Tito Gil? Mukha kasing sobrang close din nila eh.

"Tama yan, sanayin mo lang sarili mo para pag hindi ako nagising, ikaw gigising sakin."

"No problem! Ah atsaka oo nga pala, kailan ako magsstart?"

Ay oo nga pala. "About that, come with me baka magstart ka na mamaya magpractice."

"Okay! Sge! Kain ka na!!" nakaupo siya sa harap ko at ang lawak ng ngiti niya. Aga aga mukha siyang engot!

"Panira ka ng araw. Wag ka ngang ngumiti!" aga aga iniinis ako ng babaeng to.

My Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon