Music here, music there, music everywhere. Hindi ba sila nabibingi at naririndi sa mga letseng tugtog na yan? Nakakabanas na ah! Kahit saan ako magpunta mapa-bahay man o paaralan, may tugtog talaga? Hayssst... Hindi ko rin alam kong bakit pero talag----
"Aray!" sigaw ko dahil may anak ng nanay nya na biglang bumundol at hindi lang yan, tumapak sa maliliit kong mga paa. Huhuhu... Naiiyak na ako sa sakit at hindi pa rin niya inaalis ang paa niya.
"Hoy mokong alisin mo yang paa mo!" dali-dali ko syang tinulak kaya ayun, pareho na kaming nakasalampak sa ground ng school.
"Hala Miss, sorry di kasi kita nakita. Sorry talaga. May masakit ba sa'yo? Saan? Dalhin kita sa clinic, halika," may pa-bow bow pang nalalaman ang mokong at pasorry-sorry. Aalalayan pa kuno ako. Eto namang si ako, cold and poker face as ever sabay...
"Hindi, okay lang," kahit masakit na talaga,"Kaya ko na ang sarili ko," roll eyes sabay walk-out. Pero kung yan ang iniisip nyo, nagkakamali kayo. Kaya erase erase. Eto talaga yun...
"Aray!" sigaw ko dahil may anak ng nanay nya na biglang bumundol at hindi lang yan, tumapak sa maliliit kong mga paa. Huhuhu... Naiiyak na ako sa sakit at hindi pa rin niya inaalis ang paa niya.
"Hoy mokong alisin mo yang paa mo!" dali-dali ko syang tinulak kaya ayun, pareho na kaming nakasalampak sa ground ng school.
"Waaahhhhhhh! Si JKq tinulak nung ipokritang girl! My gosh! I kennat girls! I kennat!" ang babaeng yan na halos mahimatay na sa kakasigaw ay si Yeri. Kim Yeri. Ang number 0.0000 fan kuno netong mokong na to. Oo kilala ko na sya dahil isa syang pabibong peymus na miyembro ng grupong Bulletproof. Si Jeon Jung Kook. Nawala sa atensyon ko si Yeri ng bigla akong hablutin ng gwapong este mokong na bumundol at tumapak sa munti kong mga paa.
"Aray ano ba! Bitiwan mo ako!" tinitigan ko sya upang makita niyang sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko. Ngunit laking gulat ko nang makitang ganun rin siya sa akin. Nakatitig ang maiitim niyang mga mata na tila hinihigop ang kaibuturan ng aking kaluluwa.
Ennnggggg enggggggg...
Tila nakarinig ako ng isang di pamilyar na tunog na maihahalintulad sa tunog ng grounded na mikropono. "Ahhhhhhh!" nakatitig pa rin ako sa kanya at dahan dahang hinawakan ang mabibiyak ko ng ulo. Ano to? Anong nangyayari sa akin? Ahhhhhhhh!!! Sumalampak akong muli sa sahig at parang basang-sisiw na naghihikahos at nahihirapan at nalilituhan. Ano ito? Ano tong mga naaalala ko?
Muli kong tinitigan ang mokong na iyon na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sakin. Sino ka Jungkook? Sino ka ba talaga??
Iyon na ang huling mga tanong na pumasok sa isip ko kasabay ng mga naghahalong mga alaalang hindi ko maintindihan. Kasabay ng mga tilian at bulong-bulungan, may bisig na biglang bumuhat sa aking katawan. Hindi ko na naaninag ang kanyang mukha dahil nawalan na ako ng malay.
•••
Please support my very first story Rias! Vote and all sorts of comments sapat na. Lovelots Rias! ( ˘ ³˘)❤
-collein28_raia
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (Starring LisKook : Lisa And Jungkook)
FanfictionDug dug dug dug dug dug. Is that what you hear when your heart races almost out of your chest when you see a certain someone? Is it really the rolling of drumbeats or is it the deafening shout of what your heart desires? Let's meet a girl who overco...