Chapter 1

22 0 0
                                    

Chapter 1

Alas otso na ng umaga, at nagmamadaling pumunta si paulo sa bahay nila christina upang sabihan ito na aalis sila ng alas diyes papunta sa bayan dahil kinabukasan ay umpisa na ng pasukan at unang araw nilla sa unibersidad. dahil sa taga baryo sila malayo ang unibersidad mula sa baryo, kaya kailangan nilang mangupahan sa bayan upang matirahan habang nag-aaral sila pareho.. 

---------------------------------------------------

" Tintin...Tintin... Gising na!! "  habang binabayo ni paulo ang katawan ni christina para magising ito..

"ano ba naman paulo, ang aga pa!, para umalis." ani Christina habang nakapikit pa ang mata nito dahil sa antok.

"dadaanan kita dito ng alas diyes, iiwanan kita dito kapag ganyang nakahilata kaparin pagbalik ko" sabi ni paulo na lumabas nadin ng kwarto ni christina para umuwi na at maghanda para sa pag alis nila mamaya.

 ----------------------------------------------------

wala ng nagawa si Christina kundi bumangon at mag ayos ng mga gamit na dadalhin niya sa pag alis nila sa baryo upang mag aral sa bayan.

ng maayos ni Christina ang lahat ng mga kakailanganin niyang dalhin, naligo narin siya, dahil alam niyang gagawin ni paulo ang sinabi niyang iiwanan siya nito kapag dumating ito na nakahilata padin siya.

"Sana naman mapansin mong mahal kita Paulo,noon paman ikaw na ang nasa puso ko." sinasabi niya ito habang nakapikit at inisip ang mga sandaling masaya sila pareho kapag sila ay magkasama, mga panahong mga bata palang sila at walang ibang iniisip kundi ang maging masaya.

Naputol ang pag mumuni-muni niya at nagulat pa siya ng biglang my kumatok sa pinto.

"Tintin naman!, alas diyes na, naliligo ka palang, kapag ikaw hindi nagmadali talagang iiwanan kita dito, kahit kailan naman oh1 kukupad kupad kapa din hanggang ngayon."  si Paulo na siyang kumatok sa banyo na naiinis na dahil sa maghihintay pa ito hanggang sa matapos si chiristina, wala naman siyang choice kundi hintayin si christina dahil hinabilin siya ng kanyang magulang dito na maagang umalis upang pumunta sa bukid.

Hanggang sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon