Matapos ang mahabang byahe ng dalawa ay agad silang dumiritso sa kani kanilang mga kwarto na inupahan nila.
Si Christina ay agad na nahiga dahil sa pagod.
habang nakahiga ito binalikan niya sa kanyang isipan ang mga kaganapan kanina sa bus.
"Hay!, grabe ang bango niya, at ang kisig niya, ang sarap matulog sa mga braso niya. :) " binibigkas niya ang mga katagang yan habang nakapikit at pangiti ngiti na parang katabi paniya si Paulo.
Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag iisip ng ganun.
Samantalang si Paulo naman ay agad na inayos ang gamit. bagi ito nagpahinga dahil narin sa pagod at layo ng kanilang binyahe.
---------------------------------------------------------------------------
Gabi na ng magising ang dalawa.
Agad na pumunta si Christina sa boarding house na inuupahan ni Paulo, dahil sa magkalapit lang naman ang kanilang mga pinag upahan na bourding house.
Agad na nakita ni Christina si Paulo na kalalabas lang ng banyo..
natulala si Christina sa nakita nito, isang paulo na tanging twalya ang nakapangtakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.
"oh tintin, bakit naka nganga kajan? nakita molang ang maganda kong katawan, at gwapo ko, eh natulala kana." kasabay nyan ay ang nakakalokong ngiti ni paulo na lalong nagpamula sa pisngi ni Christina.
Agad na tumalikod si Christina na tila napahiya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo! feeling mo naman magkasing katawan kayo ni Piolo Pascual o ni Sam Milby! yak! ang layo kaya!." na nakatalikod padin dahil sa pamumula ng kanyang pisngi.
"Dalian munang magbihis,at nagugutom nako Pau!.." pagalit niyang sabi kay Paulo, pero ang totoo sobra naxiang kinikilig.
-------------------------------------------------------------
Habang nasa karenderya na sila at kumakain, panay ang pagmamalaki ni Paulo sa katawan niya.
"aminin muna kasi Tin na ang hot ko paglabas ko ng banyo.hahahaha"
"Oo Pau, ang hot!! ang Hot ng sauce.hahahaha Gutom lang yan!. kumain kana." pero sa loob loob ni Christina ay gusto niyang sabihin na totoong hot si Paulo. pero minabuti niyang wag nalang sabihin..
"Tin, tignan mo ung babaeng yon oh! ung nasa kabilang kanto, ung nakatayong babae." ani Paulo na nakatingin sa babaeng nakatayo sa tapat nila.
"oh bakit un?"
"Ang ganda at ang sexy niya, panay ang tingin sakin eh." sabay ayos ng kanyang buhok.
napaubo si Christina sa sinabi ni Paulo.
"Wow Pau! hindi na gutom yan, nagdedeliheryo kana ata sa sobrang kapilingan mo,. at bilib sa sarili.." sabay hampas sa braso ni Paulo.
aminin man niya o hindi totoong mapapalingon ang sino mang makakita kay Paulo.
hindi man siya kaputian pero siya ung sinasabi nilang TALL DARK AND HANDSOME.
Maging sa kanilang baryo ay maraming nagkakandarapang mga kababaihan sakanya
pero si Paulo ang tipong walang pakialam sa mga babaeng hindi niya taste.
"Masyado ka naman tin, para namang hindi mo nasubaybayan ang pagdami ng mga naghahabol sakin, sa baryo palang eh marami na.. swerte monga eh at Bestfriend tayo." sabay ngiti kay Christina.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli
Fiksi RemajaIsang Pag-ibig na kung saan handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal kahit pa ito umabot sa puntong ang lalaking mahal nya ang maging dahilan upang ang buhay nya ay umabot sa bingit ng kamatayan...