Prologue

7 1 0
                                    

.......

"Tulong! Dito sa likod! Tulungan ninyo ako pakiusap.." Halos mapatid na ang hininga ni Shantal ngunit patuloy pa rin ang kanyang paghingi ng tulong sa gitna ng kaguluhang nagaganap sa buong kaharian.

"Shantaaaal!" Humahangos at naliligo na sa pawis ng matugunan siya ng kanyang asawang si Haring Duke.

"Mahal ko manganganak na ako, ilagtas mo ako at ang anak natin pakiusap." At tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Habang patuloy ang kaguluhan sa buong kaharian, isinilang ang susunod na tagapagmana ng trono sa silid ng mga tagapagsilbi upang maproteksyonan ang mag ina.
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ngayon ang araw ng kapanganakan ng prinsesa, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sumugod ang kaharian ng Zuba sa kadahilanang nais na makuha ang prinsesa at ina nito.



"Lady Miiiiiiii nasan ka?"

Nabalik ako sa hinaharap ng marinig ko ang nakakainis na pag sigaw na naman ng ugok na iyo. Dali dali akong pumuslit sa lihim na lagusan dito sa hardin. Nais kong maglakad lakad at makapag isip. Naisip ko rin na may kulang sa aking kagamitan kaya mamimili na rin ako.

Pauwi na ako ng mapansin ang kakaibang tindahan sa daan pauwi sa aking tahanan. Bago ba ito?





😘

ASHIRA MIADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon