Chapter 2: Silid

3 1 0
                                    


Dumiretso na agad ako sa aking silid.
Agad akong dumampot ng magic dust at winasiwas sa pinto ng sa ganon ay hindi mapansin ang pagkawala ko ng ilang oras.

"Ashira" bungad na bati sa akin ni Emily na kasalukuyang kapapasok lamang din sa silid.

"Emily" tugon ko.

"Nasa oras ka ngayon. Ang binatang matipuno na naman ba ang iyong bantay? Hahaha" Untag na naman nya sa akin.

"Oo at alam mong ayokong pag usapan iyan."
Madali kong narating ang malaking mesa kung nasaan ang aking mga kagamitan. Dala ko rin ang pinamili ko kanina.

"Anong balita sa kaharian ng Levia?"

"Hindi ko nais na sa akin mo malaman ngunit sa palagay ko'y dapat mo ng malaman ito, Ashira.." May pag aalinlangan na sabi ni Emily na ngayoy nasa harap na rin ng mesa.

"Buweno sabihin mo na ngayon din, Emily." Kinakabahan man ay naglakas loob akong pakinggan ang mga kwinento ni Emily habang ako'y wala.

"Kung ganun kailangan kong malaman kung saan dinala ng taong iyon ang mahalagang bagay na nawawala sa kaharian ng Levia."

"Ngunit mapanganib ang taong iyon, Ashira. Maaring hinahanap ka na nya o natagpuan ka na nya at nagbabalat kayo."

Bigla ay pumasok sa isip ko ang antique shop na nadaan ko pauwi sa bahay kanina. Naalala kong tumingin ako sa oras alas kwatro pasado pa lamang, sandali lang ako nagtingin ng tumawag ang si Johnson ay alas sais na ng gabi ang kanyang oras na sinabi.

Patakbo kong nilapitan ang mga librong nakahanay sa kanang bahagi ng silid na ito.

Zuda .. Ito ang nakaukit sa librong hawak ko. Ito ang kahariang madalas ay puntahan ng aking isipan. Ngunit matagal ng naglaho ang kaharian na ito.

"Ashira? May kinalaman ba ang librong iyan sa ikwenento ko sa--" Hindi na natapos ni Emily ang kanyang sinasabi ng mabasa rin ang nakaukit sa libro.

"Ashira bakit ang aklat ng Zuda? 'Wag mong sabihing.."

"Oo alam ko na kung nasan ang taong kumuha ng espada. Ang espadang iyon ay pag aari ng kaharian ng Zuda" Inilipat ko ang pahina ng libro sa ika-730 na pahina.

"Ang Espada ni Haring Zudan. Ito ang ninakaw ng estranghero." Sinasabi ko na nga ba na nakita ko na ang espadang iyon.

"Kay haring Zudan. Pero bakit ito nasa kaharian ng Levia? Walang sino man ang nakalaam sa kinahantungan ng kaharian ng Zudan. At mag mula pa noon wala ni isa sa ari arian ng kaharian ang natagpuan. Pano ito nangyari, Ashira?".

"Hindi ko rin alam ang sagot sa ngayon, Emily. Ngunit kailangan ko ng bumalik. Kailangan kong mapuntahan kung nasan ang espada."
Dali dali kong niligpit ang mga gamit na dala ko at itinabi sa gilid ng mesa.

"Emily, 'wag mo sana muna itong banggitin sa iba. Hangga't hindi pa tayo nakasisiguro. Nararamdaman kong malaki ang papel nito sa ating layunin." Nilapitan ko si Emily at tinapik sa balikat.

"Kung ganoon ay makakaasa ka, Ashira. Ngunit mag iingat ka. Ako ng bahala mag dahilan sa iba na may importante kang gawain sa eskwelahan kaya hindi ka muna makakabalik."

Tiningnan ko pang muli ang kabuuan ng silid, ito ang bumuhay sa akin sa ilang taon kong pagtuklas sa pagkatao ko, bago ko tuluyang isinira ang pinto.

*tok tok tok"

Umalingawngaw agad ang katok sa pinto ng aking silid.

"Come in".

"Lady Mi ang bilis mong maglakad." Pawis na pawis ang bugnutin habang humahangos sa paghabol sa akin. "Bilin ni ama na huwag kitang iwan. Ngunit may importante akong mga project na kailangang tapusin."

"Ano ngayon? Maari ka ng umalis. Wala naman akong ibang ipag uutos." Nagkunwari lamang akong inaantok habang nakaupo sa harap ng aking study table.

"Oo at bawal kang lumabas. Gaya kanina. Maliwanag ba Lady?."

"Gusto kong matulog. Makakaalis kana." Tinaboy ko na ito dahil umiisip na ako kung pano lalabas sa hardin mamaya.

"Kung ganun, sige aalis na ako. Kita na lang tayo sa school bukas."

"At bakit tayo magkikita? Umalis ka na nga!"
Lumabas naman agad ito at patawa tawa pa. Nakakabwiset talaga. Makikita mo bukas bugnutin.

12:00am. Agad akong napatingin sa labas ng binta upang pag masdan ang maliwanag na buwan. Wala akong napala kanina sa pag takas ko para mapuntahan ang antique shop. Tama ang hinala ko, wala na ito. Sinadya lamang na ipakita sakin ang shop. Ngunit sa anong dahilan?

Napapikit ako. "Ano nga kayang koneksyon ng buhay ko sa inyong mga kaharian?.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASHIRA MIADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon