Ang distansya ang isa sa mga salitang kinatatakutan ng lahat.. siyam na letra ngunit mas malayo't mabigat pa sa milyang agwat natin sa isa't isa..
Distansya ang isa sa mga bagay na nagturo sa 'tin kung paano magmahal at maging tapat pa ng sobra, mga salitang nagturo sa 'tin na hindi solusyon ang mga salitang, "Ayoko na".
Pero..
Dumating ba sa puntong nagtanong ka sa iyong sarili ng mga katagang 'to na..
"Worth it pa ba?"
"Itutuloy pa ba?"
"Aayaw na ba?"O kaya nama'y..
"Kakayanin pa ba?"
Mga salitang pwedeng dumaan sa iyong isipan, kaya ika'y mapapaisip na lang na..
"Talaga bang ipagpapatuloy pa? O aayaw na? Siguro, palayain na lang siguro ang isa't isa, kung kami.. kami talaga"
Ngunit matanong ko lang talaga..
Naisip mo din kaya kung anong nararamdaman n'ya?
Inisip mo din ba na kahit gaano kahirap at gaano kalayo ang distansya n'yo sa isa't isa, kahit kailan hindi n'ya 'yon ininda?
S'ya kaya kahit kailan, inisip na palitan ka?
Inisip kaya n'yang iwanan ka, dahil lang nahihirapan din s'ya?
Minsan ba na naisip mo din na, ilang sitwasyon, tao, at pagkakataon ang kanyang pinalipas para lang bigyan ng pagkakataon ang pagmamahalan nyong dalawa?
Naisip mo din ba na ilang tao ang hindi n'ya pinagbuksan ng pinto sa kanyang puso at lalo na sa buhay nito dahil nakatuon na ang atensyon n'ya sa isang tulad mo?
At higit sa lahat..
Kahit kailan ba, naisip mo na ikaw yung pinili n'ya kahit alam natin na kapalit-palit ka, at mas may hihigit pa sa kaya mong ibigay sakanya?
Mag-isip ka. 'Wag kang tanga.
Kung may taong ganito para sa'yo, 'wag mo na s'yang pakawalan pa, matuto kang magpahalaga.- Dahil hindi lahat ng tao at bagay sa mundo, ay mananatiling iyo, kaya mahalin mo habang nasa iyo pa.
#Goodnight #DiAkoBroken #WagKangAno #TagalogPoetry
![](https://img.wattpad.com/cover/119978975-288-k66881.jpg)